AKI'S POV.
Nakatulala ako ngayon sa may kwarto ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin ni Ayesha kanina. Humiga ako sa kama ko at lalong lumalim ang iniisip ko.
Did we really.. almost do it? The kiss....
Bago pa lumalim ang nasa isip ko ay tumunog ang cellphone ko at nakareceive ako ng text galing kay Ronald. Sabe niya may lakad daw ang buong tropa bukas. So, it means kasama kami ni Ayesha right? At ayun nga biglang nagtext sa akin si Ayesha saying na kasama nga kaming dalawa.
Hindi naman sa ayaw naming sumama pero kase di ba may nangyaring hindi maganda sa amin kahapon?
Napabuntong hininga ako at nireplayan si Ayesha na mag-act na lang kami ng normal bukas sa lakad.
KINABUKASAN:
Dumating ako sa may mall kasama si Ayesha. Nag-antayan kami sa may labas ng subdivision nila at tsaka kami sabay na pumunta dito sa meeting place namin. Wala kaming idea kung saan kami pupunta at kung anong gagawin namin. Basta ang sabi lang, ang meeting place ay sa mall at magkakasiyahan daw ang lahat.
Maya maya lang ay dumating na sina Ronald kasama si Denny at ang mag-jowang si Mel at Clifford. Kami na ni Ayesha ang lumapit sa kanila at may kaunting awkwardness sa pagitan namin.
"Yow bro, Aye!" bati naman ni Ronald in his normal tone.
"Y-yo" bati ko at ngumiti lang si Ayesha sa may tabi ko.
Si Mel, hindi siya makatingin sa amin at ngumiti lang sa amin sina Clifford at si Denny. Maya maya lang ng kaunti ay dumating naman si Andy at Pauleen at syempre magka holding hands. Nagulat naman ako ng hawakan ni Ayesha ang kamay ko sabay ngiti sa akin. Ngumiti din ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
Nagdecide naman sila Andy na pumunta muna kami sa coffee shop na pinuntahan namin noon bago daw kami pumunta sa talagang pupuntahan namin. Naupo ako sa tabi ni Ayesha, kaharap namin sina Mel at Clifford, sa kanan ko naman ay sina Pauleen at Andy at sa kaliwa ko naman ay sina Ronald at Denny. Tahimik ang lahat ng makaupo nang biglang nagsalita si Ronald.
"Order muna kayo guys. Treat ko." sabi niya sabay abot sa amin ng mga menu.
Binuklat naman ni Ayesha ang menu at iniharang yung sa muka namin para makapag-usap kami in private.
"Grabe sobrang awkward. Ano sa tingin mo ang pinaplano nila?" bulong ni Ayesha sa akin.
"I don't know. Let's just wait and see." bulong ko din at tsaka kami namili ng order naming dalawa.
"So, uhm, I heard about what happened last last night." biglang sabi ni Andy kaya napatingin ang lahat sa kanya.
"Uhh.. yeah, nagkaroon lang kami ng misunderstanding." sabi ko.
"Yeah, narinig ko nga about sa relationship ninyong dalawa." sabi ni Andy sabay tingin sa aming dalawa ni Ayesha.
"At nandito kami para humingi ng tawad at ayusin ang lahat..." biglang sabi ni Mel habang nakatingin sa amin.
"B-bes..." sabi ni Ayesha.
"Sorry.. Aki at bes... alam naman naming, alam nyo ang ginagawa nyo.. talagang nag-alala lang kami ng husto." sabi pa ni Mel.
"Oo nga. Tsaka alam nyo namang bet na bet ko ang love team nyong dalawa di ba? Supporter nyo kaya ako. Pero doon sa nangyari mukang hindi ko napatunayan yon, kaya sorry ng madami, bro at Aye." sabi ni Ronald. Tumayo naman si Ayesha sa tabi ko at pumunta sa pagitan ni Mel at Ronald at nagyakapan ang tatlo.
"Sorry talaga ng madami bes. Susuportahan namin ang pagmamahalan niyo. Promise, totoo na talaga to. Wala ng halong pagdududa." sabi ni Mel habang nakayakap kay Ayesha.
"Oo nga Ayesha. Kahit anong mangyari paninindigan ko ang pagiging supporter ko sa inyo. Kita mo nga naman di ba. Nagbunga ang pagsuporta ko at naging kayo na talagang dalawa... huhuhuhu." sabi ni Ronald habang nagfafake ng iyak kaya natawa naman kaming lahat sa kanya.
Naghiwalay na sila ng yakapan at nagtawanan na ulit. Bumalik si Ayesha sa may tabi ko at nagulat kami ng biglang may lumapit sa aming staffs, binigyan kami ng cake at sumigaw silang lahat ng "Congratulations". Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin. Nagtinginan kami ni Ayesha at alam kong nararamdaman nya rin ang nararamdaman ko...
Nakakaramdam kami ng konsensya....
END OF CHAPTER 48
"Reconciliation"
Sorry sa maikling chapter. Talagang ganito lang ang nakaplano para sa chapter na ito. I will make bawi sa mga susunod. Happy reading :) -Maya