Harana

36 2 1
                                    

RONALD'S POV.

"Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingaloooo~"

Basag na ang eardrums ko dahil sa mga lasing sa labas ng bahay namin at nakakainis ganyan pa yung kinakanta nila sa Videoke.

Hindi ko din alam kung bakit.. pero..

ANG SAKIT TALAGA EH.

Hindi ko pa naman siya lubos na kilala. Lage lang akong nagsstalk sa kanya eh. Hay, ewan ko ba pero CRUSH NA CRUSH KO TALAGA SI DENNY.

Tapos naguguilty pa ako sa ginawa at nasabi ko kala Aye kanina.. Alam ko namang gusto lang nila akong tulungan. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko.

Nahiga na lang ako sa kama ko at nagtalakbong ng kumot para di ko marinig ang ingay sa labas. Sana naman makatulog ako ng maayos nito.

KINAUMAGAHAN:

Pumasok na ako ng school ng matamlay. Ang hirap makatulog kagabi. Broken hearted na nga.. Ang ingay pa ng Videoke sa labas.

Narinig ko namang nag iritan ang mga babae at ayun na ang cue na nandyan si bro. This time hindi na niya ako nadanggi ng bike niya pero tumigil naman siya para batiin ako.

"Good morning." sabe niya at bigla naman siyang dinumog ng mga babae kaya naman lumayo kami at pumunta ng parking lot.

"Sorry bro, napatakbo pa kita." sabe ni Aki habang hinahabol ko naman ang hininga ko.

"Ge, ayos lang, walang problema."

"Balita ko, may problema ka." sabe niya at napatingin naman ako sa kanya.

"I heard from Ayesha." napabuntong hininga naman ako.

"Bro, it will be okay." sabe niya at inakbayan ako, ngumiti naman ako sa kanya at inakbayan din siya.

"Sana nga bro."

Ngumiti naman siya at sabay na kami na naglakad papunta sa room namin pero nakita namin si Ayesha at Mel sa manggahan.

"ONAALLDDD!" sigaw ni Ayesha ng makita ako at niyakap naman ako. Sumunod naman sa kanya si Mel at may inabot sa aking tupper ware.

"Peace offering namin ni bes!" sabe ni Mel at kumalas naman sa pagkakayakap si Ayesha.

"Sorry na Onald oh." sabe ni Aye. Tumawa naman ako ng malakas at kinuha yung tupper ware. Pambihira talaga tong dalawang to.

"Aba naku, nag-alala pa kayo. Okay lang naman yun, nadala lang ako." sabe ko sabay bukas ng tupper ware at nakita ko ang isang slice ng cake sa loob.

"Tira nyo lang yata to eh."

"Grabe ka naman sa amin ni bes! Bake yan ni mama nuh." sabe ni Mel at napatawa naman ako.

"To naman joke lang." At nagtawanan naman kaming apat dun at pumunta na kami sa aming room.

Nilapag ko sa upuan ko ang bag ko at lumapit sa upuan nila Ayesha.

"So ano? Okay ka na ba hah?" tanong ni Ayesha sa akin.

"Syempre hindi. Pero kakayanin ko para di na kayo mag-alala."

"Ah, basta nandito lang kami ni bes para sayo, diba bes?" sabe ni Mel at ngumiti naman si Ayesha.

"Aba syempre naman!" sabe niya at nagtawanan naman kami.

"Oo nga pala Ronald, may gusto sana kaming ipakita ni bes sayo." sabe ni Mel at iniabot sa akin ang phone niya. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan ang phone niya.

Nanlaki ang mata ko at nakakaramdam naman ako ng galit. Nakita ko sa phone ni Mel ang litrato ng sira ulong si Dave na may kasamang ibang babae. Ang lakas din naman ng loob niyang lokohin si Denny!

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon