Juniors na kami!

42 1 0
                                    

AYESHA'S POV.

Minsan iniisip ko na kahit sandali lang pwede kayang tumigil muna ang oras?


Yung nandito ka lang sa may tabing dagat habang pinagmamasdan ang sunset. Yung hindi mo maiisip na kuhanan ito ng picture dahil mas gusto mo itong tumatak sa iyong alaala...


Oo nga pala, summer na ngayon at nandito kami sa bahay bakasyunan namin sa may batangas. Sa susunod na pasukan mga third year high school na kami.


Naging ayos naman ang last 3 months namin ng pagiging 2nd year hs kahit may nawala na sa grupo namin. Actually, ako si Aki, Ronald, bes, Clifford at Denny na lang lagi ang magkakasama noong mga nakakaraang buwan.


Si Pauleen nakikita pa rin namin pero hindi na ulit namin siya nakasama. Si Iris mejo nakakasama namin pero palagi siyang busy dahil kailangan niyang humabol sa mga subjects namin para mapagpatuloy niya ang highschool dito. 


Tapos si Andy,


Ayun naging bulakbol.


Mejo mahirap nga lang na hindi siya makita dahil magkaklase sila ni Aki pero sa lahat ng tropa, siya yung parang hindi na namin talaga kilala.


Pero sa aming lahat, ako na yung pinaka nawalan ng pakialam sa kanya.


Hindi ko din alam kung bakit ako nagkaganito bigla. Siguro sobra akong naapektuhan sa pagkamatay ni Joana...


~0~


Matapos ang bakasyon namin ay simula nanaman ng panibagong kabanata sa pagiging isang highschool student ko. Sabi nila, third year daw ang pinakamasaya sa lahat. Pero ewan ko pa din kung bakit sa pangatlong taon ko na ito sa highschool eh hindi pa din kami nagiging magkaklase ni Aki ko!!


Masaya naman ako kasi magkaklase ulit kami ni Ronald. 


Pero si bes! 


Kaklase niya si Aki!! Oh di ba kaswerteng nilalang -_-


Si Clifford naman ayun wala nanamang kaklase sa amin pati si Iris mag-isa din. Pero ang balita ko si Denny kaklase niya ulit si Pauleen tapos si Andy daw isang room lang pagitan kala bes at Aki.


Pero hindi na rin masama kasi sa isang building lang ulit kami nila Aki, sa second floor sila tapos kami sa 1st floor. Tapos sila Denny, Clifford at Iris sa kabilang building naman. Mejo nakakalungkot nga lang at mejo malayo na kami sa manggahan, doon kasi yon banda sa teritoryo ng mga 1st at 2nd year.


Ngayong taon wala pa rin pinagkaiba ang mga freshmen sa mga nakakaraang freshmen (which is sophomore na ngayon), mayroon pa din mga nababaliw sa bebe ko.


"Uy bes, sobrang husay naman pala talaga ni Papa Aki sa loob ng classroom kaya naman pala ang daming nagkakacrush doon." sabi ni bes habang nakatambay kami sa may mini nipa hut.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon