AKI'S POV.
"See you tomorrow." Sabe ng teacher namin at nagtayuan na kami sa kina uupuan namin.
Habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa bag ko ay may lumapit sa aking babae at binigyan ako ng letter.
"Please accept my letter." Sabe niya habang namumula ang muka niya. Kinuha ko naman yung letter niya kaya ngumiti siya.
"I will wait for your answer." Sabe niya at umalis na.
Hay. Another day another letter, tinupi ko yung letter at nilagay sa bulsa ko tapos lumabas na ako ng room.
"HI AKI!" napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko yung mga kaibigan ni Pauleen at siya. Ngumiti lang ako at kumaway sa kanila.
"Aba Aki, ang dami mo nanamang chicks hah." Sabe ni Amiel, yung isa ko pang kaibigan at bigla akong inaakbayan, hindi pa pala naalis to?
"Loko." Sabe ko lang at tumawa siya.
"Oh ayun ba yung nililigawan mo?" sabe niya at tinuro si Pauleen.
"Baliw ka, sino namang nagsabe sayo niyan?" sabe ko habang natatawa.
"Sabe ni Darwin, sinabi daw sa kanya nung babae, pumoporma ka na daw."
"Jinojoke ka lang nun." Sabe ko at napatingin kay Pauleen at ngumiti naman siya sa akin.
"Eh paano na si Ayesha ba yun?" sabe ni Amiel kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano nanaman at dinamay mo pa ang best friend ko." Sabe ko at nag smirk siya.
"Kunwari pa kayong dalawa, eh halata namang gusto niyo isa't-isa, tingnan mo pupusta ako, yang si Ayesha ang magiging girlfriend mo." Sabe ni Amiel kaya siniko ko siya ng mahina.
"Baliw, kaibigan ko lang yun nuh." Sabe ko at umalis na sila Pauleen sa tinatambayan nila malapit sa room namin.
"Oo nga naman, si Pauleen kaya ang magiging girlfriend niya." Nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Darwin, hindi pa din pala nauwi to?
"Oh sige, pustahan tayo hah, pusta ko si Ayesha at sayo si Pauleen." Sabe ni Amiel.
"Oh sige ba and for sure mananalo ako." Sabe naman ni Darwin, to talagang dalawang to.
"Hoy hoy wag nyong pagpustahan ang love life ko, parehas ko lang silang kaibigan at bakit ba hindi pa kayo nauwi?" tanong ko.
"Ah yayayain ka sana namin sa Arcade, eh umihi pa tong si Darwin kaya nawala kanina." Sabe ni Amiel.
"So ano nga Aki? Ayesha o Pauleen?" sabe naman ni Darwin habang ngumiti ng nakakaloko.
"Wag nga ako." Sabe ko at nagtawanan ang dalawa.
Pumunta kami sa parking lot para kuhanin yung mga bike namin ng makita ko si Ayesha at nakaramdam ako ng hindi maganda.
"Uy Aki ayan na yung si Ayesha oh." Sabe ni Darwin at sumipol naman si Amiel kaya napatingin sila Ayesha sa direksyon namin.
"Ako tigilan niyo ah." Sabe ko at sumakay na sa bike ko at nagbike na kami pero si Amiel lumapit pa kala Ayesha.
"Aki! Eto ba yung sinasabe mong mahal mo hah?" sabe niya habang nakaturo kay Ayesha at naramdaman ko namang umiinit yung pisngi ko at nakita ko ang gulat at pamumula sa muka ni Ayesha.
"Wow!" narinig ko namang napasigaw si Ronald.
"Huuyyyy Bes." Tukso ni Mel at grabe nakakahiya talaga tong si Amiel.
"Hoy Amiel, hindi ka nalaban ng patas ah." Sabe ni Darwin kay Amiel at nagtawanan ang dalawa kaya lumapit ako kala Ayesha.
"S-sorry sa kanila hah, w-wag mo na lang pansinin." Sabe ko kay Ayesha at bigla siyang umiwas ng tingin.