AKI'S POV.
Pumunta na ako sa manggahan at nakita ko sina Ayesha at Iris na magkausap doon. Nilapitan ko sila kaya napansin na ako ni Iris at tumayo na siya.
"I'll get going na. Thank you for listening Ayesha, see you two tomorrow!" pamamaalam ni Iris at naglakad na siya palayo.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko kay Ayesha. Tumayo siya sabay pagpag ng palda niya at kuha ng bag niya.
"Nagkwento lang siya ng fairy tale." Napakunot naman ang noo ko.
"Fairy tale? Mahilig pa din siya don." sabi ko sabay kuha ng bag ni Ayesha sa kanya. Naging gawain ko na kasi na bitbitin ang bag niya.
"Kaya nga eh, hindi ko rin alam kung bakit. Oo nga pala bebe loves, nakausap ko sila Onald kanina." sabi niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad.
"Oh. Anong sabi?"
"May camping trip daw ang family niya pero hindi nanaman makakasama ang parents niya kaya tayo tayo na lang daw at isa pa..." tiningnan ko si Ayesha nang naputol ang sinabi niya.
"Kasama daw si Travis." pagpapatuloy niya at parang nabingi ako. Kasama si Travis?
"Ah so.. uhmm.. kailan daw?" nilihis ko na lang usapan.
"Ngayong darating na weekend daw."
"Sige sama tayo."
"Kasama din daw sina Andy at Pa-
"Eh ano naman. Kaibigan naman natin sila ah." bigla kong sabi.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Tumigil naman ako sa paglalakad at ganon din siya.
"Bebe loves, of course ayos lang ako. I'm already committed to you di ba? Ikaw ang mahal ko di ba. So I'm perfectly fine." sabi ko while smiling at ngumiti lang din siya sabay yakap sa braso ko.
"Sabe ko nga eh."
"Hindi mo pa ba alam hah? Gusto mo ipagsigawan ko pa sa buong mundo eh." sabi ko at napatawa lang siya.
"Mahal na mahal kita Ayesha." bulong ko sa tenga niya.
"Oh? Akala ko ba ipagsisigawan mo sa buong mundo."
"Oo nga. Ikaw ang mundo ko di ba." sabi ko sabay kindat sa kanya at napatawa naman siya.
"Corny."
"Corny man, kinilig ka naman." sabi ko. Napatawa siya sabay hampas ng mahina sa braso ko.
After a few days, dumating na ang araw ng camping trip namin. Nagkita kita kami sa 7/11 sa bayan para hintayin ang van na sasakyan namin papunta sa camping site nila Ronald. Nang dumating ako ay nakita ko na meron na palang tao sa 7/11. At ang taong yun ay si Pauleen.
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik at umupo sa bakanteng upuan sa harapan niya.
"Ikaw pa lang pala." sabi ko. Tinago niya ang cellphone niya at tumango sa akin. Ngumiti ako at tumingin sa pintuan kung may dumating na pero wala pa din, kaya naman...
"Kumusta ka na?" sabay naming sabi sa isa't-isa na kinagulat naming pareho.
"Sige ikaw muna." sabay ulit naming sabi kaya napatawa na kaming dalawa. Sinenyasan niya akong magsalita para hindi na ulit kami magkasabay.
"As I was asking, kumusta ka na?" tanong ko.
"I'm okay and I think you have the same answer." sabi niya. Napangiti muna ako bago sumagot