AYESHA'S POV.
Sabay sabay kaming bumalik sa table namin at agad naman kaming napansin ni Clifford.
"Oh sabay sabay ata kayong nakabalik? Success ba hah?" sabe ni Clifford na parang natatawa.
"Hahahahahaha. Oo" sabe ni Bes habang namumula. Tumawa naman si Clifford at agad siyang napatingin sa akin.
"Aye okay ka lang? Bakit parang tumamlay ka?"
Nagtinginan naman ang lahat sa akin ng magsalita si Clifford.
"A-ah mejo nahihilo kase ako eh." pagpapalusot ko.
"Oo nga, kaya gusto sana naming i-excuse si bes sa inyo ihahatid na namin siya pauwi."
"Ako na lang maghahatid sa kanya." napatingin naman ako ng may gulat sa muka ng biglang tumayo si Aki at nagsalita.
"Naku Aki hindi na. Kami na lang. Mag-enjoy na lang kayo diyan." sabe ni bes sabay hawak sa braso ko.
"Please ako na." sabe ni Aki with a worried face. Tsk, bakit ba kase masyado kang nag-aalala Aki?! Alam mo namang hindi kita kayang tanggihan. Napatingin naman ako kay Pauleen bigla. Hmmm.. Ayoko kaseng makasama si Aki ng mag-isa kaya siguro titiisin ko na lang muna yung selos ko.
"Oh sige na di na ako uuwi. Kaya ko naman eh."
"Bes" sabe sa akin ni Mel ng pabulong.
"Are you sure?" tanong ni Aki habang nag-aalala pa din. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. Ngumiti din siya at naupo na kami sa upuan.
Maya maya lang ay dumating na ang order namin at kumain na kami. Pinipilit ko talagang hindi tumingin kala Aki pero di ko matiis. Kaya naman sumilay ako saglit at himala!
Hindi sila sweet ni Pauleen at sa akin nakatingin si Aki 0////0
Bigla naman akong tumungo. Shy effect lang XD"Guys gusto nyong i-try yung love maze?" Napatingin naman kaming lahat ng magsalita si Ronald.
"Ah! Yung sikat na love maze dito sa mall?" sabe ni bes.
"Naririnig ko nga yun. Isa yung laro kung saan papasok ang dalawang couples sa maze at silang dalawa ang hahanap ng paraan para makalabas sa maze. Then kapag nakalabas sila may isang heart shape dun na bunutan at yun ang magiging fortune nila about love." pagpapaliwanag naman ni Joana.
"Pero bakit naman sa maze pa?" tanong ni Clifford.
"Eh kase diba ang pag-ibig puro pagsubok? Bali sa larong to yung maze ang pagsubok at ang couples ang gagawa ng paraan para makaalis sa pagsubok na yun." pagpapaliwanag naman ni Ronald.
"Oh sige try natin mamaya." biglang sabi ni Aki.
"Oh sige! Pero para fair" Kinuha ni Ronald yung bag niya at nagpunit ng mga maliliit na papel. "Gawa tayo ng bunutan para sa couples na papasok sa maze! Oh ayos ba yun?"
Tumango naman ang lahat at naggawa na si Ronald at Clifford ng bunutan.
"Okay! Boys ang bubunot ng girl na makaka partner nila. Walang dayaan ah!" sabe ni Ronald at nagsimula na silang magbunutan.
"Bes kinakabahan ako sa magiging partner ko." sabe ni Mel habang nakahawak sa braso ko.
"Okay, bago naman i-reveal yung partner namin. Tara na muna sa maze!" sabe ni Ronald kaya nagtayuan na kami at nagsimula nang maglakad papunta dun sa Love Maze.
Hmmmmm... Sino kaya ang partner ko? At ano kaya ang mabubunot ko?
Nang makarating na kami sa Love Maze ay sinimulan na nilang buklatin ang mga papel nila. Unang nagsalita si Ronald. *Gulp* Sana wag po muna si Aki ang makapartner ko ngayon. Please po >_<