The Camping Trip 2

29 1 0
                                    

AYESHA'S POV.

"Ano kayang meron kay Papa Aki at kay Iris no? Akalain mo nga naman, ang dami palang pangyayari sa buhay niyang si bebe loves mo." sabi ni bes habang nasa loob na kami ng tent. Kaming tatlo kasi nila Denny ang magkakasama sa tent.


"Alam mo na ba ang story behind it?" Tanong ni Denny sa akin pero napatungo lang ako.


"Yun na nga eh. Hindi ko pa siya natatanong tungkol don." sabi ko sabay yakap sa mga legs ko.


"Aba bes. May karapatan kang malaman yon, girlfriend ka na niya bes. Kaya ang past, present o kahit man ang future niya dapat alam mo din." sabi ni bes.


Tama si bes. Kaya bukas na bukas, itatanong ko kay Aki ang lahat.


"Ano bang plano para bukas?" tanong ko kala bes.


"Treasure hunt daw." sagot ni Denny.


"Treasure hunt?" pagtataka ni bes.


"Oo daw eh. Mga parents daw ni Ronald nag set-up nun para daw may activity naman daw tayo tsaka pambawi na din daw." 


"Sana treasure talaga ang makita natin ano. Kahit 1k man lang or higher." sabi ni bes kaya natawa kami ni Denny.


"Sana.. okay lang si Iris no? Para naman maging masaya yung activity para bukas." sabi ko.


"Sana nga tsaka sana magtino na din yang si Travis baka bukas magkagulo nanaman tayo." sabi ni bes habang nahiga na sa ilalim ng kumot niya.


"Kausapin mo kaya siya Ayesha." suggest ni Denny. Tumingin ako sa kanya at napaisip. Hmmm.. pwede din.


"Pero bago mo gawin yun, sabihin mo muna kay Papa Aki, eh tutal involved naman siya don." sabi ni bes.


"Oh sige. Subukan kong kausapin na din." sabi ko at nahiga na.


"Kung ako sayo bes, magbawas bawas ka ng kagandahan. Kaloka, naggigyera ang Japan at England dahil sayo." sabi ni bes at narinig kong napatawa si Denny ng mahina.


"Baliw. Matulog na nga tayo." sabi ko sabay talukbong ng kumot. Baliw talaga tong si bes.


Nagtawanan muna silang dalawa bago kami natulog.




Nagising naman ako nang makaramdam ako na kailangan kong mag banyo. Chineck ko ang time at nakita kong alas 3 pa lang pala ng madaling araw.


Lumabas ako ng tent at nakita kong ang dilim dilim ng paligid. Shemay, parang umurong bigla yung ihi ko ah.


"You're awake already?"


Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita. Syete hah, muntik ng sumabog dito yung ihi ko ah! Lumingon ako at nakita ko si Travis na nasa likuran ko.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon