Bebe Bear

53 2 0
                                    

NORMAL POV.


"Wala kang pakialam."



Ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Ayesha. Ano naman kayang nangyari kay Aki? Galit kaya yun?



Lumabas naman agad si Ayesha ng hindi man lang pinapansin si Travis at nakita niya sa labas si Ronald.



"Onald, nakita mo si Aki?" tanong ni Ayesha sa naka-upong si Ronald.



"Ah oo kaso umalis eh, sinungitan pa nga ako, pero teka okay ka na ba hah?"



"Oo okay na ako. Nakita mo ba kung saan siya pumunta?"



"Hmmm.. siguro nasa Agos grandes na yun." sagot ni Ronald at tumakbo naman si Ayesha.



"Ayesha wait!" sigaw ni Travis pero pinigilan siya ni Ronald.



"Ep, ep, ep, wait cousin." sabi ni Ronald sabay turo sa upuang nasa tabi niya.



"Can we talk later? I need to take care of Ayesha."



"Today is my birthday and my God Travis, you are in my country, so you should follow me." sabi ni Ronald na parang timang at ewan ko ba pero napa-upo niya si Travis sa tabi niya.



At sa may Agos grandes naman ay nadatnan ni Aki sina Pauleen, Andy at Joana dun pero umalis naman agad ang mag-jowa dahil sasakay daw sila sa Tausug Trails. Umupo naman si Aki sa tabi ni Pauleen habang ang mga paa nila ay natatamaan ng mga waves.



"Aki, are you okay?" tanong naman ni Pauleen nang mapansin niyang iba ang pinta sa muka ni Aki.



"Hah? Ayos lang ako." sabe ni Aki na hindi pa din natingin kay Pauleen.



"Alam kong mayroong problema Aki." sabe ni Pauleen at napatingin naman sa kanya si Aki at napangiti.



"Bakit naman ako magkaka-problema? I'm perfectly fine." sabe ni Aki pero mukang hindi naniwala si Pauleen sa sinabi niya.



"Alam kong meron, just tell me."



"Ang kulit kulit kulit mo, wala nga sabe, wala.".


My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon