Hello! kahapon ko pa po dapat to iu-update kaso nagka problema ang wattpad kahapon. So eto na ^_^
AKI'S POV.
Dalawang araw nang nakakalipas nang matapos ang camping namin. Kaya eto, balik nanaman kami sa may school.
"Aki, excuse me." napatingin ako sa tumawag sa akin habang hawak ko pa din ang librong binabasa ko sa room namin at nakita kong si Iris ito habang dala dala ang notebook niya.
"Sorry but, can you help me with this one? "
"Anong subject?" tanong ko habang sinasara ang hawak kong libro.
"Filipino." sagot niya sabay upo sa tabi ko. Kinuha ko ang notebook na hawak niya at tiningnan ang exercise na pinapakita niya.
"Oh sige, pahiram ako ng ballpen mo. I-explain ko sayo."
"Thank you Aki! You're a life saver!" sabi niya at akmang yayakap nanaman pero umiwas agad ako.
"I-it's okay kahit wala ng hug, kahit thank you na lang." sabi ko nang may nerbyos na ngiti sa muka ko.
"Right. Sorry hehe. Mag start ka na." sabi niya kaya sinimulan ko na siyang turuan.
"Oh, so it's like a verb in tagalog huh." comment niya kaya napangiti naman ako dahil naiintindihan niya ang tinuturo ko sa kanya.
"You know what, you should be a teacher someday. Ang dami kong natutunan ngayon sobra!" sabi niya na nagpatawa sa akin.
"Hindi ko alam. Gusto ko kasing maging chemical engineer eh." sabi ko.
"That's still your dream pala. Some things never change talaga pagdating sayo." sabi niya kaya napangiti ako.
"Si Ayesha lang siguro yung bago sayo." sabi niya while looking at me with a sad smile.
Natahimik naman ako saglit pero ngumiti lang ulit ako sabay sara ng notebook niya.
"Tama ka at ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko so far." sabi ko sabay tingin sa kanya. Tumango tango naman siya tapos tumingin sa notebook niya.
"Well, thank you again Aki, sige." sabi niya sabay hablot ng notebook niya at tsaka siya bumalik sa upuan niya.
RECESS:
Tumambay muna ako sa manggahan para dito na antayin si Ayesha. Bawal na kasing tumambay sa hallway during class time eh kaya dito ko na lang siya aantayin.
"Uhm, excuse me?" napatingin naman ako sa nagsalita sa harapan ko at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakaputing polo. Hmmm.. mukang outsider at may hawak siyang malaking paper bag.
"Pwede ko bang malaman kung saan tong room na to?" tanong niya then may pinakita siya sa aking papel. Tiningnan ko naman ang papel at yun ang room number nila Ayesha.