Pagpapanggap Part 2

30 2 1
                                    

I am finally back! After a million years! Hahaha charot lang. Wala na akong ibang masabi, sorry sa matagal na update, enjoy :*


AKI'S POV.

Today is the last day of examination at ngayon din ang araw na pupunta kami sa party nila Andy.


Nandito na ako sa school. Tinext kase ako ni Ayesha na kasabay nya yung papa nya ngayon araw kaya di ko sya nasundo sa kanila. Pero mamaya sa party, ako susundo sa kanya sa bahay nila.


Tahimik lang ako na nag rereview sa room at napansin ko na panay ang tingin ni Andy sa akin.


Well, nung nagsimula kase yung gulo, hindi sya makatingin sa akin kahit silip man lang. Pero di ako naniniwalang nakokonsensya sya kase pinagpatuloy pa din nila ang relasyon nila ni Pauleen. Tsk, edi sila na nagmamahalan diba? Sila na umabot ng isang buwan.


Natigil naman ako sa pag-iisip ko ng kung ano ano nang tinawag ako ng kaklase ko dahil nasa may pintuan daw si Ayesha. Agad agad naman akong tumayo at pinuntahan sya.


"Good morning." bati ko agad sa kanya sabay hawak sa kamay nya. Ngumiti lang sya at parang may sasabihin.


"Aki, about sa napag-usapan natin kagabi. Kailangan ba talaga natin yung sabihin sa harap ng madaming tao?" Sabe nya habang namumula. Napangiti naman ako at sumagot.


"Oo naman." sabe ko at lalo pa syang namula. Ah about nga pala don. Napag-usapan kase namin na sa party mamaya ay sasagutin na nya ako. Papalabasin namin na may isang buwan na akong nanliligaw sa kanya pero nito lang namin inilabas sa tao na nililigawan ko sya. Ganun kasimple.


Kaso mukang nahihiya sya kase sya yung unang magsasalita. Syempre sasagutin na nya ako diba?


"Ahm pwede bang kunwari mag-usap muna tayo privately tapos mejo magtatagal tayo tapos bigla na lang tayong lalabas at ikaw na mag-aanounce na sinagot na kita ngayon lang."


"Mukang kinakabahan ka talaga ah. Oh sige gawin natin yung gusto mo." sabe ko at napangiti naman siya.


Nag-usap pa kami about sa plano mamaya at nang magsisimula na ang examination ay agad naman kaming nagpaalam sa isa't-isa. Whooo so mamayang gabi. Eto na sisimulan na namin ang tunay na pagpapanggap.


AYESHA'S POV.


"You have 1hr to finish the exam, so start passing the papers and you may start. Good luck." sabi nung proctor namin at nagsimula na kaming magsagot.


Hys. Di tuloy ako makapag focus ngayon sa exam. Eh kase naman mamaya na oh, mamaya na mangyayari yung palabas namin ni Aki.


"Basta mamaya akong bahala sayo. Thank you for doing this."


Ayan yung mga salitang sinabi sa akin ni Aki kanina bago kami maghiwalay with matching ngiting walang mata labas dimple.


My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon