AYESHA'S POV.
Napatingin ako sa cellphone ko nang marinig kong tumunog na ito.
"I'm almost there. Nakasuot ako ng blue na cap, just in case na di mo ako makilala."
Napagdesisyonan namin na kitain ang "secret admirer" ko sa may 7/11 habang sila Aki at ang iba pa ay magtatago muna sa rack na nasa likuran ko. Nakapwesto ako sa upuan na nakaharap sa entrance ng 7/11 habang may bakanteng upuan sa harapan ko.
Maya maya lang nang kaunti ay nakita ko na ang lalaking nakasuot ng blue na cap. Nagkatinginan kami ng saglit bago ako umiwas ng tingin sa kanya.
Naramdaman ko namang lumapit na siya sa akin sabay tanong: "Hi, pwede na ba akong ma-upo?" Tumango ako para sumagot nang hindi pa rin nakatingin sa kanya.
Na-upo naman siya sa bakanteng upuan sa tapat ko habang sila Aki naman ay lumipat sa bakanteng table sa likuran ng lalaking nasa harapan ko.
"It's nice to see you again." panimula niya kaya tumingin na ako sa kanya.
"Bakit mo yon ginawa?" tanong ko pero tiningnan niya lang ako nang may lito sa muka niya.
"Bakit hindi ka na lang nagpakilala sa akin? Kakausapin naman kita nang maayos eh." pagpapatuloy ko.
Ngumiti naman muna siya bago sumagot. "I'm sorry, I just wanted to have a little fun."
"Well hindi siya nakakatuwa dahil nagugulo ang isip ng boyfriend ko." seryoso kong sagot sa kanya.
"Is that so? Kung ganon threaten siya sa akin?" sabi niya sabay tawa kaya kumunot na ang noo ko.
"Ano bang kailangan mo, Alfred?" sabi ko kaya bigla siyang natigilan sa pagtawa.
"Wow, so kilala mo pa pala ako?"
AKI'S POV.
"Si Alfred na yan?! Eh ang uhugin niyan noong elementary eh." bulong ni Mel habang nakatingin kami sa table nila Ayesha.
"Sino ba kasi yang Alfred na yan?" bulong naman ni Ronald sa tabi ko.
"Classmate namin dati ni bes noong grade 4 kaso nagtransfer siya ng school noong mag grade 5 kami kaya ngayon lang ulit namin siya nakita!"
"What's their connection?" tanong ko kay Mel.
"Gaya ng sabi ko sobrang uhugin yan noong elementary ngayon etong si bes na siga noon inaaway yung mga nang-aasar kay Alfred."
"Ayeshang Ayesha." side comment ni Ronald na mejo nagpangiti sa akin.
"Tapos ayon, ewan ko parang nagka-crush kay bes pero sobrang obsess! Kahit saan kami pumunta nandoon ang mokong!" pagpapatuloy ni Mel.