AYESHA'S POV.
"Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying if you see this girl can you tell her where I am"Ugh! Umagang umaga lakas ng tugtugan sa baba! Si Papa talaga, kapag day off lageng ganyan di man lang naisip na may natutulog pa dito! =_=
It's saturday, meaning walang pasok ngayon, eh sobrang puyat na puyat pa man din ako kagabe! Hays, si Ronald kase iniwan akong curious kahapon :( Ayan tuloy puyat mode ako kagabe >_<
At dahil di na ako makatulog ulit bumangon na ako at inayos ang bed ko, pagbaba ko saktong naghahanda na si Mama ng almusal, nandun na silang lahat, ako na lang pala ang di gising.
"Good Morning anak!" bati ni papa
"Good Morning po" bati ko.
"Hahahaha. Mukang effective ang alarm clock na ginawa ko ah." Hm, Yung speaker siguro tinutukoy nya.
"Bakit parang puyat na puyat ka yata? Lumalaki na eyebags mo oh. Wag naman sagarin ang sarili sa pag-aaral isipin din ang katawan" sabe ni Mama. Hays, kung alam mo lang mama kung anong pinagpuyatan ko XD
"Opo mama." Sagot ko na lang, na medjo natatawa pa.
After kong kumain ng almusal, naghugas muna ako ng pinagkainan at tinulungan na si Mama sa paglalaba. Then after a few hours, dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga dun, nagbukas ako ng computer at nagfb. Then may 3 messages ako. Kay Ronald, Mel at Kay AKI :D. Inuna ko muna si Ronald, ihuhuli ko na lang Yung Kay Aki :D
"Aye ready kna ba sa Monday? Hahahaha :P" ayan sabe nya. Hmmm, bahala na sya, wag ng mareplayan. Next Ay Yung Kay Mel naman.
"Bes, hintayin mo ako sa manggahan bukas hah?" Sabe nya at nag like sign na lang ako. Then finally! Kay Aki na :)
"Good Morning Ayesha" ayiieee, nag-greet sya kaninang umaga!!! Gusto kong replayan kaso offline na sya :( Hmm bahala na!
"Hello Aki" chat ko sa kanya. Then nagbasa na ako ng notifications.
"Aki Dimandante likes your profile picture"
"Aki Dimandante likes your status"
"Aki Dimandante likes your post"
Omerged! Flood likes ako ni Papa Aki <3 Siguro tumambay sya sa wall ko, Ahaha! Ahaha! Makatambay nga din sa wall nya. Wow ang pogi nya naman sa profile nya! Yung dimple nya! Kyaaaa!! pero nays ang pogi pogi talaga! At gaya ng ginawa nya nagflood likes din ako!!! XD. Then maya-maya biglang may nagchat sa akin.
"Thanks sa flood likes hehe" Ahhhhhh! Si Aki bukas na sya :D :D :D
"Uy. Hahaha. Bukas ka na pala" Sabe ko.
"Yeah. Hahahaha, sinilip ko lang, mejo busy kase ako eh."
"Hmm, need help?" Offer ko, ayiieee XD
"Oh no need na, but thanks sa offer."
"Psh, wala yun basta ikaw :D"
"Okay. Gotta go now. Bye Ayesha, see you tomorrow at school *wink*"
Hah? Teka? Anu daw? See you daw? Saan daw? Sa school? At ano? Nag wink sya sakin? At ano to? Nag-iinit ang muka ko? Bakit? Bakit? Bakit?!!!! Kyaaaaaa!!!!! Napatalon ako sa kama ko! Could it be? Eto na ba Yung sinasabe ni Ronald? Kilala na ba ako ni Aki? Alam nya na ba na ako Yung girl? What the!!! Kyaaaaaa!!! Kinikilig pa din ako. Omerged!!!!! XD
AKI'S POV.
Napangiti na lang ako pag offline ko. Di ko alam pero nakaramdam ako ng excitement bigla... Hmmm, bigla kong naalala busy nga pala ako, kaya ginawa ko na ang mga gagawin ko. Maya Maya lang tumawag na si Otōsan (Father in Japanese) at napatingin ako sa clock. 7pm na pala, sakto isang sentence na lang susulatin ko. Bumaba na ako at kumain kasama si Otōsan, then I wash the dishes at bumalik na sa ginagawa ko, and at last! Tapos na rin sya! Pwede na akong matulog :)