Kaguluhan

24 0 0
                                    

NAKAPAG-UPDATE DIN HUHU.


AYESHA'S POV.

Natapos ang meeting namin na nagpasakit ng ulo ko. Jusko naman kase, ang daming binigay sa aking trabaho, kesyo inspired naman daw ako at nandiyan naman daw si Aki para tulungan ako. Hay nako, ayan people ang palusot ng mga tamad.


Naglakad ako papunta sa manggahan habang bitbit bitbit ang napakadaming cartolina at manila paper. Nakita ko si Aki doon na nakaupo at napansin niya akong papalapit kaya tumakbo siya papunta sa akin at tinulungan ako sa mga dala ko.


"Wow, mukang madaming gagawin ang bebe loves ko ah. Need help?" tanong niya habang nakangiti sa akin pero sinimangutan ko lang siya.


"Ayan ang gustong mangyari ng mga ka-grupo ko kaya oo." sagot ko. Tumingin naman siya sa akin nang may pagtataka sa muka pero hindi na lang siya umimik.


Pumunta na kami sa parking lot para puntahan ang bike ni Aki. Nilagay niya yung ibang cartolina sa bag niya at yung iba naman ay nilagay namin sa basket sa unahan ng bike niya.


"Oo nga pala bebe loves, may sasabihin ako sayo." sabi niya habang umuupo ako sa unahan ng bike niya.


"Ano yon?" sagot ko at nagsimula na siyang magpedal ng bike niya.


"Nakausap ko si Pauleen kanina sa manggahan noong iniintay kita." sabi niya kaya nagsimula nanaman akong makaramdam ng selos.


"A-ano, may problema kasi siya kay Andy eh, so I decided to help. Ayos lang ba?" tanong niya. Tinitigan ko muna ang mga cartolina at manila paper sa may basket ng bike niya bago magsalita.


"Ayos lang. Naka-oo ka nanaman yata eh." sagot ko.


Naramdaman ko namang hinalikan niya ang ulo ko sabay patong ng chin niya dito.


"Sinasabi ko to para hindi ka mag-isip ng kung ano ano. Yun ang sinabi mo di ba?" sabi niya na nagpanguso sa akin. Oo nga. Sinabi ko yon pero nakakaselos pa din.


"Isasama kita para tayong dalawa ang tutulong sa kanya at hindi lang ako." sabi niya na nagpangiti sa akin kaya tumingin ako sa kanya.


"Oh sige. In ako diyan." sabi ko at ngumiti naman siya pabalik.


"Ayon ngumiti din. Ang swerte ko talaga sayo eh." sabi niya na parang nanggigil kaya natawa ako.


"Mas swerte ako no." sabi ko sabay sandal ng ulo ko sa isang braso niya.


"I love you." bulong niya sa akin at syempre kinilig naman ako. Hindi na yata mawawala ang pagkakilig ko kahit ilang beses niya pang sabihin yan.


"Mo aishiteru." sagot ko sabay tingin sa kanya. Nakita ko ang gulat sa muka niya kaya napatawa ako. (Maya's note: It means I love you too pero maraming ways para sabihin yon sa japanese and pinili ko na lang yan kasi simple lang sabihin.)

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon