The secret admirer

23 1 0
                                    

AKI'S POV.

"Aki, makikisuyo naman ng gunting, thank you!!" sabi ng kaklase ko sa akin habang nagawa kami ng group presentation namin sa MAPEH.

Iniabot ko sa kanya ang gunting at ngumiti nang matipid. Hindi ko alam pero di mawala sa isipan ko ang mga pangyayari kagabi. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maiwasan na hindi isipin yun. I'm just so bothered by that text.

"Aki, okay na ba ito?" tanong nang isa kong ka-grupo.

"Ah oo idikit mo na lang ng maayos, salamat." nakangiti kong sinabi sa kanya.

"Huy papa Aki, ang tahimik mo yata ah. Magkaaway ba kayo ni bes?" tanong ni Mel sa gilid ko. Oo nga pala, ka-grupo ko din pala siya.

"Ah, hindi. Nag-iisip lang ako nang pwedeng idagdag sa presentation natin."

"Eh akala ko ba okay na ito?"

"Ah oo okay na yang visuals, yung mga sasabihin na lang natin. Haha." sabi ko sa kanya sabay tingin sa papel na hawak ko.

"Talaga hah? Parang iba kasi iniisip mo. Alam mo pwede ka namang magsabi sa akin eh, kaibigan mo din naman ako." 

Napatingin naman ako sa kanya at mejo natigilan. First time ko kasing mag-oopen sa kanya.

"Uhm.. kasi kagabi..." pagsisimula ko pero bigla akong tinawag nila Blair na nasa kabilang grupo.

Paglingon ko sa kanila ay bigla nila akong kinuhanan nang picture at agad nagtawanan na parang kinikilig.

"Shulandi." rinig kong bulong ni Mel. "Hoy, pwede ba nag-uusap kami dito eh." sabi niya kala Blair pero nagtawanan lang sila habang tinitingnan ang cellphone nila.

"Wag mo na ngang pansinin yang mga yan. Kapag yan nalaman ni bes baka magwala yon." sabi niya kaya mejo natawa ako.

"Sorry, akala ko naman kasi may kailangan sila." sabi ko sabay talikod kala Blair.

"Oh sya tuloy mo na yung ikkwento mo."

"Ah oo. Kagabi kasi lumabas kami ni Ayesha, kaso may biglang nagtext sa kanya, akala pa nga namin noong una si Ronald eh." sabi ko habang inaalala ang pangyayari kagabi.

"Ah yun pala, naikwento nga yan sa akin ni bes kagabi. So, naaabala ka noong secret admirer ni bes?"

Tumango ako sa kanya pero bigla siyang ngumisi.

"Akalain mo yun, ang gwapo gwapo mo na, nag-aalala ka pa rin."

"I still have insecurities." 

"Ay wala na in-english na ako, buti nakakasabay sayo si bes, mahina sa english yun eh hahaha." tawa ni Mel kaya napangiti ako.

"Pero eto seryoso, wag kang mag-alala masyado doon kasi kahit siguro pagbali-baliktarin ang mundo, ikaw at ikaw pa rin ang mahal ni bes. Kita mo nga kahit naligaw ka ng landas dati, hindi siya nagpatinag. Eh dedz na dedz yon sayo eh, hindi ko nga alam kung anong ginawa mo don." sabi ni Mel na nagpangiti nang malaki sa akin. Well, yeah, she's not wrong about that.

"Aware naman ako hehe. Pero yun nga, I don't know, pero I'm so bothered and worried."

Sasagot pa lang si Mel pero tinatawag nanaman ako nila Blair.

"Wag kang titingin." sabi ni Mel habang nakahawak sa braso ko. "Oy tumigil na nga kayo, isusumbong ko kayo kay ma'am!" pagbabanta ni Mel sa kanila.

"Kairita eh." sabi niya sa akin kaya natawa ako. "Dapat nga si bes ang mag-alala dahil diyan sa mga babaeng lumalandi sayo."  sabi ni Mel sabay gupit ng papel.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon