Ronald's Birthday!

40 3 0
                                    

NORMAL POV.


Matapos ang ilang araw ay dumating na rin ang araw ng kaarawan ni Ronald. Nagkita kita muna sila sa bahay nila Ronald at sumakay na sa isang Van.



"Oh guys, picture naman diyan!" sabe ni Ronald habang hawak ang DSLR camera niya.



"Mamaya na nga Ronald, natutulog pa kami eh." sabe ni Ayesha habang nakasandal ang ulo sa bintana ng Van. Katabi niya si Mel at Clifford na inaantok din. Sa likod naman nila ay sila Aki,Pauleen,Andy at Joana. Sa passenger seat nakaupo si Ronald.



"Oh sige pipicturan na lang kita." sabe ni Ronald at kinuhaan ng litrato ang natutulog na muka ni Ayesha. Napamulat naman si Ayesha dahil sa flash.



"Hoy Ronald burahin mo yan!" sabe ni Ayesha at pilit na kinukuha ang camera kay Ronald.



"Ano ba, magtigil nga kayong dalawa. Natutulog pa mga tao dito eh." sabe naman ni Mel habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Clifford.



Natigilan naman ang dalawa at biglang naka-isip ng kalokohan. Nag-ngitian muna si Ayesha at Ronald ng nakakaloko at kinuhaan ng litrato sina Mel at Clifford. Nagising naman ang dalawa dahil din sa flash.



"Uyyyyy~ Ang sweet." sabe ni Ayesha habang tinitingnan yung picture nila.



"Hoy! Kayong dalawa! Ano ba!" sigaw ni Mel at nagkulitan nanaman ang tatlong magkakaibigan sa harapan.



Habang sa likod naman ay mahimbing na natutulog si Joana sa balikat ni Andy at si Pauleen at Aki naman ay naghahati sa isang earphone at nakikinig ng music.



"Ganyan ba talaga sila kakukulit?" tanong ni Andy kay Aki.



"Oo eh, alam mo naman. Nandiyan kase si Ronald." sabe ni Aki at nagtawanan naman ang dalawa.



Maya maya lang kaunti ay nakarating na sila sa Splash Island. Nag-rent naman sila ng dalawang air conditioned rooms, isa para sa mga girls at isa para sa mga boys tapos nag-set sila ng table at mga upuan sa gilid nito. Bigla kaseng nagtext si Ronald kagabi na mag-o-overnight daw sila pero uuwi na din naman daw agad kinabukasan.



"Oo nga pala guys, bago tayo kumain. May ipapakilala muna ako sa inyo." sabe ni Ronald habang nakatambay na ang lahat sa table sa labas.



"Since, wala ang parents ko ngayon sa outing na ito ay siya ang papalit sa pwesto nila. Ladies and Gentlemen, I want yu to meet my kasin (cousin) from London, Travis De Leon." sabe ni Ronald at biglang may dumating na foreigner sa likod ni Ronald at ngumiti sa kanila.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon