AYESHA'S POV.
Bumalik ako sa classroom ng mamasa-masa ang mga mata kaya tumungo ako sa desk ko para hindi mapansin ng mga kaklase ko.
Ewan ko ba. Muka akong tanga, marinig ko pa lang ang mga salitang yon, natatakot na ako.. kahit hindi ko alam kung tunay o hindi yung mga naco-conclude ng utak ko.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nakita kong nag text si Aki.
"Bakit hindi ka pumunta? I'm still here."
Nagreply ako na kunwari may ginawa ako.
"Is that so. Nagkausap na kami ni Andy. I'll tell you the details later. Pwede bang puntahan ko muna si Pauleen ngayon?"
Napakunot ang noo ko tapos nagreply ako: "Okay sige."
Tapos hindi na siya nagreply...
Na ikinasama ng loob ko.
Tange lang no? Um-oo ako tapos sasama ang loob ko.
Ka-abnormalan.
AKI'S POV.
As soon as I received a permission from Ayesha, pinuntahan ko na agad si Pauleen. Nakita ko pa ngang parang nagulat yung mga kaklase niya bago siya tinawag.
"Makikipag-usap ba siya?" tanong agad ni Pauleen. Looking desperate.
Tiningnan ko siya ng may awa sa mga mata ko. Should I tell her the truth? Or should I not?
Lumungkot ang mga mata niya at napatungo siya. "I guess no is the answer."
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat kaya tumingala siya sa akin at nginitian ko siya.
"Pagod eh, kaya mainit ang ulo. Hayaan mo, everything's gonna be alright." sabi ko.
"Why are you doing this?" tanong niya habang nakatingin pa din sa akin. Napatigil ako saglit sabay bitaw sa pagkakahawak ko sa balikat niya.
"Well, kahit ano pa man yung nangyari noon, ang kaibigan ay kaibigan." sabi ko at nakita kong ngumiti siya sa akin.
Sinuntok niya ng mahina ang dibdib ko "Salamat." sabi niya sabay tanggal ng kamao niya sa dibdib ko. I looked at her with parted lips then tsaka ko to tinikom para ngumiti.
"What's gowing on here?!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si Ronald sa gilid namin. Oo nga pala, kaklase niya si Pauleen.
"Wala. Oh sige, pasok na ako." sabi ni Pauleen bago pumasok ulit sa room nila at nakita kong pinalibutan agad siya ng mga kaibigan niya.