AYESHA'S POV.
Ilang araw na lang pala, pasukan nanaman. And this year, second year na kami ^_^ How time flies. Oo nga pala bago kasi kami magswimming noon sa Splash Island eh nakapagpa-enroll na kami. Pupunta nga kami sa school mamaya to check our room numbers tapos mamimili na rin kami ng gamit sa school.
"Ayesha! Bumaba ka na dito at kakain na!" sigaw ni Mama sa may baba. Hanggang ngayon kasi eh hindi pa din ako nabangon, yakap yakap ko pa din si Bebe bear <3
Nag-inat naman muna ako tapos hinalikan ko si bebe bear tapos bumangon na ako at bumaba.
"Oh Ayesha, anong oras ka namin susunduin mamaya sa school?" tanong ni papa sa akin. Diba nga kasi aalis kami mamaya at bibili ng gamit ^_^
"Magtetext na lang po ako." sabe ko at umupo na sa upuan at kumain na.
After ng breakfast ay hinugasan ko muna yung pinggan namin tapos I check my phone kung nagtext na ba sila Bes sa akin. Sabay-sabay kasi kaming pupunta sa school. Na-e-excite na nga ako eh! Baka kasi maging kaklase ko na si Aki~
Naka-receive naman ako ng text galing kay Bes. Sabe niya 8 daw sila pupunta ni Ronald. Para ngang ayokong maniwala eh, alam nyo na. Lageng late tong luka luka kong best friend.
8:00 am at Madeline School:
Oh? Kumusta naman yung '8:00' na sinasabi nila bes? Eh ako pa lang ang nandito sa may manggahan. Kahit kailan talaga yung mga yun -_-
Na-upo naman ako sa manggahan at nagsalpak ng earphone sa tenga ko. Nakakainis naman kase diba? Yung lagi kang on time pumunta tapos ikaw pa yung mag-aantay.
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
Kahit kailan talaga nakaka-good mood itong theme song namin ni bes. Kanta kasi naman ito sa crush namin, hahahahaha. Natatawa tuloy ako kapag naaalala ko noong unang beses namin tong kinanta sa Videoke, sabi kasi ni Ronald ang sakit daw sa tenga at mga inlababo daw kami. Kaya ayun inasar namin siya at kinanta namin yan ng limang beses XD
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Pero ngayon, ako na lang yata nakanta nito. Eh kasi naman si bes, may bago ng favorite song. Syempre yung theme song nila ni Clifford. Sila na pala nung Valentine's Day pa. Nakakalungkot lang kasi sabay naman kami noong inlababo sa crush namin pero siya na-next level na niya..