Getting closer

45 2 0
                                    

AKI'S POV.

Good morning.

Isang text message na nareceive ko this morning from Pauleen. Nagiging friends na kami this past few weeks, (sorry sa time skip) pero ang nakakalungkot lang hindi kami makapag-usap sa personal, hindi katulad namin ni Ayesha at hindi katulad nung 1st meeting namin. She has a lot of friends at kapag nagkikita kami, mejo nakakahiya/nakakailang kase lage kaming tinutukso ng kaklase niya and puro babae kase ang friends niya, hindi katulad ni Ayesha friend niya si Ronald at kahit konti lang sila masaya naman silang kasama.

Hindi naman sa hindi masayang kasama yung mga kaklase ni Pauleen, ang kaso nga lang yun nga parang hindi kami makapag-usap ng maayos dahil nga sa mga kaklase niya. Tinry ko nga na sumabay sa kanila kahapon sa recess, baka sakaling masanay ako sa mga kaklase niya kaso wala eh.. lalo lang nadagdagan ang ilang ko, ewan ko ba kung bakit kase kami tinutukso ng mga kaklase niya.

Hey, morning!

Reply ko naman sa kanya. Eto na nga lang ang naging communication namin eh, sa text since ang hirap nga niyang kausapin sa personal.

Bakit parang naiwas ka yata, simula nung nangyari kahapon?

Tanong niya.. Well di naman ako naiwas sadyang alam nyo na, naiilang lang ako sa mga kaklase niya.

Hindi naman, nahihiya lang ako sa mga kaklase mo, di kase ako sanay na natutukso.

Reply ko sa kanya, unti unti namang dumami ang tao sa school habang nakatambay ako sa manggahan. Oo nasa school ako ngayon and as usual nakatambay ako sa manggahan. Hindi na ako nakareceive ng reply kay Pauleen kaya namang pumunta ako sa contacts ko at nakita ang name ni Ayesha.

Hindi na siya nakakapagtext sa akin pero nagpapansinan naman kami simula nung nagkaayos na kami. Alam nyo na nung nagkaroon kami ng quarrel, pero simula kahapon, hindi siya nagpapakita sa akin, kahit nga si Ronald eh hindi ko nakikita.

"Hey!" napalingon naman ako ng makita ko si Pauleen.

"Oh anong ginagawa mo dito?" tanong ko, tumabi siya sa akin at nag pout.

"Ayaw mo ba hah?" sabe niya at ngumiti naman ako.

"Hindi naman, nagulat lang ako."

"Hindi na ako nagsama ng kaklase para di ka mahiyang kausapin ako." sabe niya at mabuti naman kung ganun.

"So ano, kumusta na kayo nung friend mo?" tanong niya.

"Ah, ayun okay naman, diba nakwento ko na sayo na nagkabati na kami, pero hindi ko pa siya nakikita simula kahapon." sabe ko at lumungkot naman ang muka ko.

"Huuyyyy inlove ka na sa best friend mo nuh?" sabe niya at naramdaman kong uminit ang muka ko.

"H-hah? What are you talking about? S-syempre concern lang ako, baka may n-nangyari na sa kanya or what."

Tumawa naman siya at lumapit pa sa akin.

"Sus, eh bakit namumula at parang kinakabahan ka hah?" tukso niya. Nag pout lang ako at tumawa nanaman siya.

"Grabe ang cute cute mo kapag nag-ppout ka." sabe niya at kinurot yung pisngi ko.

"At ikaw naman ang cute cute mo kapag nang-aasar ka." sabe ko at kinurot din ang pisngi niya at nagtawanan naman kaming dalawa.

"Oh siya siya, babalik na ako sa room, malapit nang mag-start ang klase." sabe niya tumango naman ako at pumunta na kami sa aming mga classroom.

RECESS:

Pumunta ako ng canteen para bumili ng pagkain ng may matanaw akong babaeng may brown na buhok, napangiti naman ako at naisipang gulatin siya.

"HEY AYESHA" sabe ko sabay hawak sa balikat niya.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon