AYESHA'S POV.
"Class dismiss."
Nagtayuan na kaming lahat at inayos na ang mga gamit namin. Nakakawalang gana pa rin talaga dahil sa nangyari kahapon tapos hindi ko pa rin kinikibo si Ronald. Nabigla lang naman ako kahapon tapos hindi ko pa alam kung pano ko siya i-a-approach.
"Bes tara na."
Napalingon naman ako ng makita ko si Mel na nakasuot na ng bag at nasa likod niya si Ronald pero hindi siya nakatingin sa akin.
Lumabas na kami ng room at doon kami dumaan sa lage naming dinadaanan. Napatingin ako sa parking lot at nakita ko si Aki dun na kinukuha yung bike niya. Napatingin naman siya sa direksyon namin at umiwas naman ako ng tingin.
Ewan ko ba pero parang ayoko na gusto ko siyang makita.
"Hoy Aye."
Napatunghay naman ako ng kausapin ako ni Ronald.
"Sorry na hah. Hindi ko naman talaga intensyon na saktan ka. Yun kase talaga ang alam ko."
"A-ah ayos na yun. Nabigla lang naman ako. Alam mo na nasaktan kase ako eh."
"Hayaan mo, kakausapin ko siya."
"Wag na. Hayaan mo na lang siya."
"Sigurado ka?"
Napatungo naman ako at tumango na lang sa kanya.
"Hay salamat, nag-usap din kayong dalawa."
Napangiti naman kami ni Ronald ng magsalita si Mel at nagsimula na kaming mag-asarang tatlo. Mabuti naman at bati na ulit kami ni Ronald.
~~~~
"Ang daya mo ate!" sipa ng kapatid kong babae sa akin habang naglalaro kami sa playstation sa salas. Pag-uwi ko eh eto na agad ang ginawa ko. Naghamon kase yung kapatid ko kaya eto naglalaro kami at inabot na kami ng gabi.
"Aray ko naman! Naghamon hamon ka diyan tapos magagalit ka kase talo ka!"
"Kitang kita namang nandaya ka!"
"Ayesha! Annie! Tama na nga yan! Bumalik na kayo sa mga kwarto nyo!"
Natigilan naman kaming dalawa ng magsalita si mama galing kusina. Pinatay na namin ang playstation at naglakad papuntang kwarto namin.
"Isumbong kita kay AKI diyan eh."
Nagulat naman ako ng banggitin ng kapatid ko ang pangalan ni Aki.
"A-anong pinagsasabi mo diyan hah? Bakit mo siya kilala?!"
"Nakita ko sa notebook mo Aki my loves." sabe niya sabay dila sa akin.
"Aba't! Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko hah?!"
"Hahahahaha. Belat. Aki Aki Aki Aki Aki :P"
Panunukso ng kapatid ko kaya naman hinabol ko siya pero nakapasok agad siya sa loob ng kwarto niya. Kahit kailan talaga yung bakulaw na yun!
Hinayaan ko na lang siya at pumasok na sa kwarto ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at may natanggap akong text message.
Good evening :)
Lumungkot naman ang muka ko ng makita kong galing pala kay Aki yun.
Good evening din
Reply ko sa kanya.
~
How is your day?
Napatungo naman ako at napaupo sa kama ko.