70

18 1 0
                                    

NORMAL POV.

Matapos makita ng mama ni Ayesha ang pangyayari sa tapat ng kanilang bahay ay kalma nitong pinapasok si Ayesha sa loob ng kanilang bahay.


Wala itong sinabi na kahit ni isang salita kay Aki. Hindi niya ito sinigawan, hindi niya ito pinaalis o kung ano man na lalong ikinatakot ni Ayesha.


"Oh nandiyan ka na pala." bati ng papa ni Ayesha nang makita itong naghuhubad ng sapatos sa may pintuan. Pero agad itong nakaramdam nang hindi maganda nang hindi siya batiin pabalik ng kanyang anak.


"Umupo kayong dalawa sa sofa, mag-uusap tayo." mahinahon na sabi ng mama niya kaya nagsimula nang huminga nang malalim si Ayesha.


Sumunod naman sila ng papa niya at na-upo sa sofa sa living room nila.


"Anong pag-uusapan? May nangyari ba?" tanong ng papa niya habang nakatingin sa kanilang dalawa.


"Hindi mo sinasabi sa amin na may boyfriend ka na pala." panimula ng mama ni Ayesha na lalong nagpakaba sa kanya.


"Boyfriend?" nagtatakang tanong ng papa niya.


"Oo boyfriend. Boyfriend mo yung kasama mo kanina di ba?" kalma pa rin na tanong ng mama niya.


"M-mama..."


"Sige magpaliwanag ka." at doon na nagsimulang magalit ang mama niya. 


"Ano ba kasing nangyari hah?" pagtakaka pa rin ng tatay ni Ayesha habang nakatingin sa mama niya.


"Oh ayan. Nagtatanong ang papa mo, Ayesha. Ikaw ang sumagot. Anong nangyari kanina sa labas hah?" napatungo lang si Ayesha habang pinipigilan na wag pumatak ang luha sa mga mata niya.


"Wag kang tumungo! Tumingin ka sa amin kapag kinakausap ka!" lumalakas na sigaw ng mama niya.


"Ano?!" sigaw nito sabay sampal nang malakas sa kanya kaya agad itong inawat ng papa niya. Doon na nagsimulang humagulgol si Ayesha habang hawak ang pisnging sinampal ng mama niya.


"Ano ba talagang nangyari kanina at kailangan mo siyang saktan!" galit na rin na sabi ng papa niya sa mama niya.


"Eh paano yang anak mo, nahuli ko sa labas kanina nakikipaghalikan diyan sa tapat ng bahay natin!!" sigaw na ng mama niya na labis ikinagulat ng papa niya kaya naman agad itong napatingin sa umiiyak na si Ayesha.


"Ang bata bata mo pa! Kayong dalawa ng lalaking yon! Ano bang gusto mo hah?! Mag-asawa ka na lang kaya kesa sayangin mo ang pinapaaral namin sayo!" sigaw pa rin ng mama niya pero hindi pa din umiimik si Ayesha.


"Ano! Bakit hindi ka nagsasalita hah!" sigaw ng mama niya sabay hablot sa buhok niya.


"Ano ba! Tama na yan! Wag mo nang saktan si Ayesha!" pagpapakalma ng papa niya sa mama niya. "Sige na Ayesha pumasok ka na sa kwarto mo, tayo ang mag-uusap doon." kalmadong sabi ng papa niya pero halatang may halong disappointment ang muka nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon