AYESHA'S POV.
"I will never let you go."
Gulong sa kanan
"I will never let you go."
Gulong sa kaliwa
"I will never let you go."
Higa ng diretso
"I will never let you go."
AHHHH!!! Oo na oo na. Hindi mo na ako pakakawalan. Please patulugin mo na ako Aki!!!
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko alam kung panaginip ba yon o nababaliw lang ako.
"I will never let you go."
Arggghhh!! Napabangon naman ako sa kama ko. Jusmiyo madaling araw na pala hindi pa din ako nakakatulog. Iba talaga ang tama sa akin ni Aki.
"I will never let you go."
Napangiti naman ako at napahiga sabay taklob ng unan sa muka ko. Bwiset ka Aki, oo na nga hindi mo na ako pakakawalan at hinding hindi na din kita pakakawalan pa!
Tinanggal ko naman ang unan sa muka ko at kinuha ang cellphone ko. Makapag facebook nga muna. Tiningnan ko ang notification ko. Hmmm.. may dalawa akong notification.
Ronald De Leon and 50 others liked your photo.
Aki Dimandante mentioned you in a post.
Aba may notif pala ako galing kay Aki. Ano kaya yon? Pinindot ko naman ang notification at ayun halos mamatay nanaman ako sa kilig.
"Mention mo yung taong hinding hindi mo na pakakawalan pa"
Aki Dimandante
Ayesha Cruz I love you! <3
At ayun sa kakiligan ko nabitawan ko ang cellphone ko kaya bumagsak sa muka ko. So ano na? Gusto pa ba akong patulugin ng lalaking to? Sa tingin ko kase ayaw niya eh.
Kinabukasan:
"Aye! Bumangon ka na diyan. Tanghali ka na!!!" naririnig kong sigaw ni mama habang kinakatok ang pintuan ko.
"Eto na po!" sagot ko habang nakapikit pa. Grabe sobrang sakit ng ulo ko, ni hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Paano kase alas 4 na ako nakatulog.
"Bilisan mo diyan. Anong oras na oh!" sigaw ni mama.
"Opo opo." sagot ko sabay bangon sa kama. Pinilit ko namang imulat ang mata ko at nakita kong umilaw yung cellphone ko kaya chineck ko.