Mel's POV.
Hello! :) siguro naman kilala nyo na ako ano? Ang pinakamagandang kaibigan ni Ayesha :D HAHAHAHA :D Pero alam nyo sa totoo lang, naiinggit na ako sa kaibigan kong to, biruin nyo naman, yung crush nya na imposibleng mapansin sya eh kaibigan na nya ngayon at nagiging close pa sila lalo. Hays, ako kaya? Kailan kaya ako mapapansin ni Clifford? Dyan lang naman sya sa tabing room. Hays :(
"Oh Bes, bakit ganyan ang muka mo?" biglang tanong sa akin ni Ayesha. Oo nga pala, weekend ngayong pero magkasama kami, actually niyaya ko sya sa DQ.
"Ah wala Bes." sagot ko.
"Weh? Si Clifford yan ano?"
"HAH?! Hindi ah, baliw kna talaga."
"HAHAHAHAHA, eh bakit nga kase Bes?"
"Hmmm... wala nga, kumain ka na lang ng ice cream dyan."
Kumain naman sya ng ice-cream pero bigla syang napangiti.
"Alam mo Bes, natutuwa talaga ako kase nagiging close na kami ni Aki, and sabe nya natutuwa sya at magkakaroon na daw sya ng Best Friend na babae, eh kase lage kaming nagsasabihan ng mga problema ganun.. Lagi kaming magkaramay." kwento nya.
"Ah ganun ba."
"OO tapos, minsan nililibre nya ako."
"Ah."
"Bes, ano ba tlagang problema?"
"Eh kase naman kwento ka ng kwento tungkol kay Aki, samantalang tayo ang magkasama." pagtatampo ko.
"Eh sorry na, alam mo namang masaya lang talaga ako."
"Tsk, Oo na, masaya ka na." sabe ko at niyakap naman ako ni Bes.
Monday:
"Ano na Ayesha! Halika na sa labas!" yaya ni Ronald kay Bes.
"Tinatamad ako eh! Kayo na lang ni Bes."
"Hay katamad talaga nito, tara na nga Mel." sabe ni Ronald kaya naman lumabas na kaming dalawa para bumili.
Pupunta pa lang kami ng canteen ay nakita ko na si Clifford, mag-isa lang sya, naka-upo sa manggahan at nakikinig ng music.
"Oy Mel! Ano na bilisan mo na, gutom na ako!" sabe ni Ronald sa akin, pero nakatitig lang ako kay Clifford.
"Mamaya mo na titigan si Clifford, ok? Bili muna tayo." sabe nya kaya naman bumili muna kami. Pero di ako umiimik, nakita ko sya at meron sana akong chance na lapitan sya.
"Alam mo Mel, mag best friend nga kayo." biglang sabe ni Ronald.
"Hah?"
"Parehas kayong baliw sa pag-ibig."
"Buti pa Ronald, hndi kami magkaparehas, kase sya nasa level 3 na, eh ako? Ganun pa din nasa level 1 pa din."
"Hay nako Mel, hayaan mo, baka bukas makalawa nasa level 10 ka na." sabe ni Ronald at tumawa naman ako.
Bumalik na kami sa room ni Ronald then nagstart na uli ang klase. Inutusan ako ng teacher namin sa faculty room para sa chalk kaya naman lumabas ako at pumunta ako ng faculty room.
Habang dala dala ko ang chalk box ni Mam, ay bigla akong nadulas dun sa may tiles at gulat na gulat ako ng may naramdaman akong braso sa bewang ko at pagtingin ko...
"Ok ka lang ba?"
0/////0 S-si Clifford? Agad agad naman akong tumayo at niligpit ang mga chalk.
"Uh, tulungan na kita." sabe nya at tinulungan ako sa pagliligpit ng chalk.
"S-salamat." sabe ko at ngumiti lang sya.