Moving on

45 4 3
                                    

AKI'S POV.

It's been a week since ng magkalagnat ako and it's been a week na hindi na nagsasama sama ang buong tropahan...

Lahat kami busy at lahat kami apektado pa din ng mga pangyayari last week.. Siguro natatakot silang i-approach ako dahil nga tinago nila sa akin ang lihim nila Andy.

Medyo mahirap din palang mag concentrate sa pag-aaral dahil kasama ko lang si Andy sa iisang classroom.. Mabuti nga at di napunta dito si Pauleen eh. Di ko na dn siya nakita simula nung gulo.

Si Ayesha naman, ayun nakikita ko siya pero di na kami masyadong nagpapansinan sa personal dahil nga sa busy pero lage pa din kaming nagkaka chat or nagkaka text...

Ang hirap pala ng ganito no? Pakiramdam ko lagi na lang akong mag-isa ngayon sa school.. Wala na akong nakakasama kapag recess.. Kapag uuwi... Kaya lagi akong excited umuwi ng bahay eh kase kahit papano may nakakausap ako at si Ayesha yun.

Minsan naiisip ko. Sa akin kaya may problema? Kaya ganito ako ngayon? Ako ba ang nagpagulo sa tropahan namin?

Pero ako yung tinaraydor, sinaktan, pinaasa at naiwan diba? Kaya minsan naiisip ko na baka minalas lang talaga ako ngayong buwan...

Habang nag-iisip naman ako ng malalim dito ay napansin kong may papalapit sa akin.

Nakita kong si Ronald ito.

"Uy." Bati niya sa akin at ngumiti lang ako.

"Musta na?" Sabi niya at tinabihan ako.

"Ayos lang. Ikaw ba?"

"Sus. Ayos ba talaga hah?" sabi niya at napangiti naman ako.

"Medyo ayos na.. Kayo ba?"

"Ayos lang din. Busy na kase malapit na exam, pero siguro kung di kita pinansin ngayon eh isang buwan tayong di magpapansinan dito." Sabe niya at natawa lang ako.

"So gusto mong mag thank you ako hah?" sabe ko at nagtawanan kami.

"Hay nako. Jiba ka talaga. Oo nga pala bro, nakausap ko si Andy noong mga panahong nag walk out ka." sabi niya at natahimik lang ako.

"Nagalit din ako sa kanya ng sobra noon dahil sa ginawa niya pero sa tingin ko talaga si Pauleen ang nagpagulo sa inyong dalawa eh." sabi niya pero tahimik lang ako.. Ewan ko ba kung bakit ako speechless ngayon.

"Hayaan mo bro. Mag move-on ka na lang. Siguro di talaga siya para sayo. May iba talagang babae na nakalaan para sayo." sabe niya at ngumiti lang ako.

"Malay mo naman diba? Si Ayesha na pala yun." Panunukso niya kaya napatawa ako.

"At nakuha mo pa talagang mang-asar hah."

"Di ako nang-aasar ah. Nagsasabe lang ako ng possibility." sabi niya sabay kindat kaya naman nabatukan ko siya.

"Aray masakit yun ah! Bagay talaga kayong dalawa nyan ni Aye, ang hilig hilig nyong manakit."

"Paanong di ka sasaktan eh napakalakas mong mang-aasar." sabe ko habang natatawa sa muka niya.

"Suusss. Mga affected kase kayo kaya kayo ganyan. Uyyy team #AkiSha heart heart." pang-aasar niya pa pero tinawanan ko na lang siya. Loko talaga tong kaibigan kong to kahit kailan.

AYESHA'S POV.

After a few weeks, eto na ang kinatatakutan ng lahat. Examination week na!!!!!!

Kaya eto todo review na ako, may mga subjects pa man din na delikado ako. Nandito nga ako sa library ngayon at ma-career na talaga muna pag-aaral.

Nakakaasar talaga! Hindi ko talaga makuha kuha tong problem na to! Bwisit kasi na math yan eh. Bakit ba sa iba niya pinapasagutan ang problema niya?! Di niya ba alam na may mas mabigat na problema ang tao? Hays. Kaurat.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon