RONALD'S POV.
Maingay na ulit sa room. Si Mel at si Aye nag-aasaran na. Pano kase parehas na silang maayos ang love life. Si Aye bati na sila nung crush niya, alam nyo na yung kaibigan kong hapon at si Mel naman nililigawan na ng kanyang ultimate crush slash ang weirdong si Clifford (talagang ang weird nya) kaya happy na ulit silang dalawa.
Pero alam nyo ba mga readers, madaming nagtataka sa akin. Bakit daw kase babae ang katropa ko, bakit daw wala akong pinopormahan ang dami nilang tanong na nagsisimula sa bakit! Tapos alam nyo ba ang conclusion nila? BAKLA DAW AKO!
Aba nako! Sa gwapo kong to? Sasayangin ko pa ba ang biniyayaang mukang to? Grabe talaga sila sa akin. Kahit papano naman may kaibigan akong lalaki. Katulad ni Aki at marami pang iba diyan. Kaya wag na wag talaga nila akong matatawag na BAKLA. Sadyang alam nyo na, wala pang dumarating na babae na nagpapatibok sa puso ko.
Hindi ko naman kase minamadali yang love na yan, darating at darating din ang nakatadhana para sayo. Kaya yung mga readers diyan na single. Don't lose hope! Wala mang forever, at least diba may dumating naman para pasayahin ka, yun nga lang ang daming nagiging bitter, after nilang masaktan ng lubusan. Pero diba kung magiging bitter ka, mahihirapan at mahihirapan ka talagang makahanap ng taong magpapasaya sayo, kaya dapat wag maging bitter at tanggapin na lang na hindi siya ang nararapat para sayo at pumulot ka ng aral tungkol sa experience mo. Maswerte ka pa nga at sinaktan ka niya, kase kung hindi ka niya sinaktan edi sana hindi ka makakahanap at makakakilala ngayon ng taong nagbibigay swerte sa buhay mo at habang buhay ka na lang makukulong sa nakaraan.
Yan lang ang masasabi ko ayon sa paniniwala ko, hehe, ang korni noh? Pero sa maniwala kayo o sa hindi, ako ang nagbibigay ng payo kay Aye at Mel kahit wala pa akong experience pagdating sa love.
Pero alam nyo minsan parang gusto ko na lang humablot ng babae diyan at gawin kong girlfriend, ang hirap kase diba minsan kapag yung buong tropa mo may love life, ikaw lang ang wala? At sobrang nakakababa yun ng pagkatao, kase tingin mo sa sarili mo pangit at walang nagmamahal sayo, ganyan kase nararamdaman ko eh, buti na nga lang at maswerte ako sa mga kaibigan ko kase sila yung mga kaibigang kahit may love life hindi pa rin ako kinalilimutan.
*sniff* Naku ang drama ko nanaman. Bigla na lang akong natigilan sa mga iniisip ko ng yayain na akong lumabas nila Ayesha ng room dahil recess na pala at hindi na pala dumating yung teacher namin.
Nang makalabas kami ng room ay hindi pa rin natigil ang dalawang to sa pag aasaran nila, grabe nakakabingi na silang dalawa hah!
Dahil sa pag-aasaran ng dalawang to ay nadali nila ako at nakadali naman ako ng estudyante at naglaglagan ang mga librong dala niya at hindi ko to dapat sinasabe pero grabe! Ang bango niya.
"Naku sorry." sabe ko at dinampot ang mga libro niya at napatingin sa kanya at para bang tumigil ang mundo ko ng makita ko na ang mala anghel nyang muka. Ang puti ng skin nya, mapupula ang labi at pisngi nya at ang maitim at mahaba niyang buhok napakakintab at parang ang dulas dulas.
"Uhm yung libro ko." sabe niya naman at parang nagising ako sa pag da-day dream ko at binigay sa kanya ang libro niya.
"Sorry." sabe ko, ngumiti siya at umalis na..
"Uyyyy Onald sino yun?" sabe ni Mel.
"Crush mo yun noh?" tukso naman ni Aye.
"Aba! Tigilan nyo nga akong dalawa!" sabe ko at nauna nang maglakad. Pero sa totoo lang ang ganda ganda niya talaga!!!!!!! Kaya yung mga nagsasabing BAKLA daw ako, lumabas kayo diyan at tingnan nyo!!!! Nagkaka crush din ako noh!!!!!!
TIME SKIPPED: UWIAN
Hayyyyy sa wakas uwian na din! Pero nandito ako sa gate at hinihintay pa ang dalawa kong kaibigan, nautusan kase ng adviser namin eh, buti nga at di ako nasama, nakakapagod na din kase minsan lage na lang akong nauutusan nun.