So many goodbyes

23 1 0
                                    

AYESHA'S POV.

"OMG BES! OMGGGGGG!!!!" sigaw ni bes habang may hawak na coke in can.


"Iba ka na talaga Ayesha." sabi naman ni Denny habang inaayusan ako ng buhok.


Eh eto na nga, kinuwento ko kala bes yung mga pangyayari kanina...


Kasama yung kiss.


"Di talaga ako makapaniwala bes. Parang bumalik ulit ako doon sa time noong naging kayo na for real." 


"Kahit din naman ako bes. Ayaw mag-sink in sa utak ko lahat ng mga nangyayari."


"Bakit ba parang hindi kayo makapaniwala dalawa?" tanong ni Denny na parang na-OOP sa amin.


"Ewan ko kung nakwento na to sayo ni Ronald pero kami kasi nitong ni bes eh patay na patay sa mga jowa namin noon. Crush lang namin sila tapos ayon, naging boyfriend namin, which is hindi nararanasan ng lahat ng mga babae." paliwanag ni bes sabay inom sa coke niya.


"Sabagay. Alam ko pakiramdam nang ganoon eh, pero masaya na ako ngayon at nahanap ko si Ronald." sabi ni bes.


"Nako, ang swerte talaga ni Onald sayo."  tawa ko.


"Oo nga Denny. Alam mo ba noong hindi pa namin siya kilala, akala talaga namin bakla siya, eh kasi naman laging nakabuntot sa aming dalawa ni bes." sabi ni bes kaya nagtawanan kaming dalawa.


"Akala ko nga din noong una ko siyang makita eh, pero aware naman siya na ganoon ang first impression ko sa kanya." sabi ni Denny habang natatawa.


"Pati naalala mo ba non bes, akala ko may crush sayo si Ronald noon gawa noong niyaya ka niyang mag 7/11?" kwento ko kay bes.


"Ay oo! Tinanggihan ko siya noon gawa nga ng dead na dead ako kay Clifford."


"Tapos? Anong nangyari?" curious na tanong ni Denny.


"Nako Denny, don't worry, akala lang namin ni bes yon. Pero ang totoo niyan gawa yun ni Oleander, yung may crush kay bes noon. Nagpatulong kay Onald kasi nga nakikita niyang nakakausap kami." paliwanag ko naman kay Denny.


"Oo at doon na din naman napagtanto na hindi bakla si Ronald." singit ni bes.


"Alam niyo ba noong una, nagtataka ako kung bakit ni isa sa inyong dalawa eh, hindi nagustuhan ni Ronald." sabi ni Denny sabay upo sa tabi ko. Kinuha ko naman yung maliit na salamin para tinggan ang ayos ng buhok ko.


"Ayun na nga. Sinasabi din yon sa amin ng mga kaklase namin kaya nga tinutukso yang si Ronald na bakla eh tapos nangyari na yong 7/11 thingy tsaka namin siya tinanong kung bakit siya buntot ng buntot sa amin." kwento ni bes tapos bigla siyang natawa. NAKO.


"Bakit?" tanong ni Denny habang nakangiti habang ako nakasimangot kay bes.


My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon