A whole new world

138 21 9
                                    

Sa gitna nang tawanan na hindi ko maintindihan kung ano ang pinagmumulan ay tatlong magkakasunod na katok sa pinto ang dumagdag. Ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanila.

"Hi, Zanabelle! Pakisabi kay Elsa pumunta sa bahay. Hinahanap na siya ni Nanay," nakangiting imbitasyon ng morenang bumungad sa 'kin. Medyo chubby ito na nakasuot nang horizontal cocktail dress and dangle seashell accessories.

"Sige ate Ophelia, magbibihis lang," sagot naman ni ate Elsa.

I guess I have nothing to rephrase since wala naman wall division ang bahay.



Justine Ace's POV

Kung hindi lang talaga 70th birthday ni Lola ay hindi ako liliban sa trabaho.

Magmula kasi nang pagsabayin ko ang pag-aaral at pagtatrabaho ay naging madalang na ang pagpasyal ko sa kanila. Sabi ni Papa, magulo raw kapag extended family kaya kinailangan namin bumukod at huwag na tumulad sa mga kapatid niya na nakasiksik pa rin sa magulang kasama ang kanilang pamilya.

Ngayon nga ay katabi ko ang kapatid sa tapat ng videoke-han habang inaabala ang sarili sa paghahanap ng kakantahin. Hanggang sa isang pamilyar na mukha ang rumehistro sa 'ming paningin.

"Ano ang ginagawa ni Bela rito, Kuya?" pagtataka pa ng kapatid ko.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon