Justine Ace's POV
Katatapos lamang ng libing ni Ariel. Sa mansion ng mga Hoshizora ako dumiretso kasama sina Ninong Rey, Bela at Ysa na puro nakasuot ng kulay itim na damit.
Ang alam kasi ni Ninong ay kami pa rin ni Bela hanggang ngayon at malamang na magtataka siya kung bigla na lamang ako magiging missing in action sa ganitong sitwasyon. Isa pa'y totoo naman talaga ang concern na ipinapakita ko sa mga oras na ito.
Kasama rin namin ang mga pulis para sana huliin ang tita Miranda nila, pero sa kasamaang palad ay wala kami naabutang kahit sino sa loob. Huli na rin nang makipag-coordinate sila homeowners association dahil mahigit isang linggo na raw mula noong umalis ang mga nakatira sa mansion kabilang ang mga empleyadong naninilbihan sa pamilya.
"Ngayong nandito na 'ko, hindi ako papayag na mabalewala ang hustisya sa pagkamatay ng anak ko. Oras na rin para bawiin ang karapatan sa bahay na magkasabay namin ipinundar ng Mommy ninyo. Ipaglalaban ko ito hanggang sa korte."
Napaismid ang magkapatid sa sinabing iyon ni Ninong Rey.
"Sana noon ka pa nanindigan sa bagay na 'yan," saad ni Bela habang nakatulala sa tapat nang malaking bintana kaharap ang napabayaang hardin. "Pareho lang kayo ni Alizanabelle."
Alizanabelle's POV
Magmula noong umuwi si daddy galing Japan ay masyado ito naging abala sa pag-aasikaso ng kung ano-anong dokumento. Bihira ko na lamang ito maabutan sa bahay o minsan pa nga'y hindi ko na namamalayan ang pag-uwi.
Samantalang magmula rin nang araw na 'yon ay wala na ako naging balita kay Bela. Sinusubukan ko siya tawagan pero palaging number busy or out of coverage ang linya niya. Gusto ko sana siya bisitahin sa mansion pero kulang pa ang lakas ng loob ko para harapin ang iba naming kamag-anak.
Akala ko matapang na 'ko, pero napakaduwag ko pa rin pala.
Bakit nga ba kapag pamilya ang nagkalamat ay parang napakahirap na nitong mabuo? Halimbawa na lamang 'yong nangyaring sex scandal ni Charles na nagkaroon nang malaking epekto sa turingan ng pamilya nina ate Elsa at ng mga Castillo. Para bang sa isang iglap ay kaagad na nasira ang closeness na mayroon ang mga pamilya nila at ako ang itinuturong puno't dulo.
Ewan ko ba?!
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...