Let It Go

24 13 2
                                    

"Zanabelle? Uy! Zanabelle, ikaw nga! Himala, naligaw ka yata!" bungad ni Hye-jin nang lapitan ako sa counter's area ng bar. Ready to party ang get up niya on her dark red cocktail dress.

Sa halip na sumagot ay tinungga ko ang shot glass saka inihip ang sigarilyo.

I don't care about my messy long hair or even to my yellow see-through top na tinernohan ng beige mini-skirt and stiletto. Kahit na ilan pang guwapong lalake ang nakatingin at hinihintay akong makasayaw o maging sa crowd na sobrang ingay.

I don't have fucking care!

"Where's your date?" tanong naman ni Aneesa. She's on her usual Hijab.

Naupo sila sa tabi ko at um-order ng Mojito.

"Ang akala ko ba itinigil mo na ang pag-inom ng alak at paninigarilyo? Eh, anong drama 'yan?"

Nanatili ako walang imik habang patuloy sa pag-inom at pagninigarilyo, ganoon din ang maingay na tugtugin sa paligid.

"It's been a year, akalain mo nga naman, graduating ka na!" pagsisimula ni Hye-jin ng topic.

"Kung sana noon mo pa itinuloy ang pag-aaral, eh 'di dapat head writer ka na at full-time wife ni kuya Badr-al-Din ngayon," pagpapaalala pa ni Aneesa.

Sa narinig kong iyon ay bigla akong natauhan. Para bang agad na nawala ang kalasingan ko. Naalala kong isa nga pala sa mga dahilan ang kuya ni Aneesa kung bakit ako tumigil sa pag-aaral noon.

"Parang na-excite tuloy ako sa naantalang arranged marriage ninyo ni kuya Badr-al-Din. So, pagka-graduate mo tuloy na tuloy na nga talaga ang kasal!"

Tatlong taon ang tanda sa 'kin ng kuya ni Aneesa. Mayamang angkan ang pinanggalingan ng pamilya nila kaya sila ang pinakakinatatakutang makabangga ng mga katribo nilang Muslim. Pero, maaaring matalik na kaibigan ko nga si Aneesa subalit hindi iyon sapat na dahilan para mahalin ko ang kuya niya.

Kamamatay lamang ni Mama noong pirmahan ni Lola ang kontrata. Ikakasal ako bilang kabayaran sa pagsalba nila sa Hoshizora Incorporation at magaganap ang kasalang iyon pagkatapos ko grumaduate sa college. Isa iyon sa pinakadahilan kung bakit ko itinigil ang pag-aaral kahit na isang taon na lang ay ga-graduate na ako. Pinili ko ang magrebelde dahil ayoko maging pambayad ng utang. Higit sa lahat, hindi ko mahal ang lalakeng pilit nilang ipakakasal sa akin.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon