Alizanabelle's POV
Grabe!
Kanina pa ako naiinip sa birthday party na ito at kanina ko pa napapansin na nakatingin sa 'kin 'yong lalakeng nakaupo sa tapat ng videoke machine.
Nakaka-irritate! May dumi ba ako sa mukha?
"Zanabelle! Ano 'yan?" gulat na bungad ni ate Elsa.
Dali-dali ko naman pinudpod ang hawak kong paupos na sigarilyo saka siya binalingan ng tingin. "Umisa lang, hindi ko na kasi napigilan."
Oh, yes! I am a smoke user since I was in second-year high school. But honestly, plano ko lang talaga magpa-turn off.
"Tara nga sa loob! Ikukuha kita ng pagkain," aniya.
Makikita sa Living room ang malaking family picture ng pamilya Castillo. Naroon ang birthday celebrant, ang yumaong asawa nito, ang tatlong anak na lalake, ang unica ija at ang mga apo.
"Elsa, mabuti naman napapunta mo rito si Zanabelle," komento ng morenang kumatok sa pinto kanina. Si ate Ophelia ang unica ija sa pamilya.
"Sus! Iyan pa magpapahuli sa party!" sarkastikong tugon ng pinsan ko habang pinagsasandok ako sa buffet.
"Oh, siya, kain lang nang kain," giit naman ni Felix.
Si Felix ang menopause baby. Halos ka-edad ko lamang ito at kung tama ang pagkakaalala ko ay naging kaklase ko ito noon sa elementary.
"Ace, makigulo ka na rin dito!" baling pa nito sa pintuan.
So, Ace pala ang pangalan ng lalake na kanina pa nakatingin sa 'kin. Instant stalker, huh! Hanggang dito sa loob sinundan pa talaga ako.
"Anyway, Ace, si Alizanabelle, pinsan ko," pakilala naman sa 'kin ni ate Elsa at namalayan ko na lang na nasa harapan ko na pala ang Ace na tinutukoy nila. "Zanabelle, si Ace, ang apo ni Nanay sa pinsan ko, bale pamangkin ko na rin."
Wait! It does not mean na kamag-anak ko na rin sila, 'di ba?
Going back, nilahad nitong si Ace ang kamay niya. Then the next thing happened, we do handshake. A bit of hesitation pa nga, eh. Ang arte ko kasi!
"Aba! Aling Portia duma-the moves 'tong anak mo. Isumbong nga natin sa girlfriend!" kant'yaw ng pinsan ko kaya napangisi 'yong tinawag niyang aling Portia na isa rin sa mga naroroon.
As a matter of fact, malaki ang pagkakahawig nila mag-ina. Matangkad, mestisa at bilugan ang mukha't mga mata na parang pinagbiyak na bato.
"Yari ka sa girlfriend mo, Ace!"
"Nako! NGSB po ako."
Wait! What did he just say?
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Fiksi RemajaWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...