How to play safe?

48 17 11
                                    

"Sus! Bukas-makalawa lang, eh mababalitaan kong jowa mo na 'yang si Ace," pang-aagaw atensiyon ni ate Elsa.

Huli na nang mamalayan kong nasa likuran ko na pala ito. Hindi ako sigurado kung narinig nito ang mga ni-record ko kanina. Kaya naman mabilis ko na lamang binulsa ang voice recorder para hindi na mausis pa nito.

"Iyang buhok mo humahaba na uli. Paputulan mo na bago ka pa mag-iiiyak na naman!" paalala pa ni Ate bago higupin ang mainit na kape sa tasa.

"Cous', nagbago na 'ko. This time, hindi ko na padadaliin ang lahat. That's why, you have nothing to worry. By the way, nand'yan na si Ace. So, aalis na 'ko."

Tukoy ko sa pumaradang motor sa labas. Kabisado ko na rin kasi ang pagbusina ni Ace.

"Mag-ingat ka sa pag-angkas. Sanay na sanay 'yan sa reckless driving. Magsuot ka ng helmet."

"Cous', sasamahan niya lang ako magpa-enroll sa pagbabaka-sakaling puwede pa humabol ngayong semester. Don't worry iingatan niya 'ko. Iyon pa, eh takot niya lang sa 'yo!"

"Umayos kayo, ha! Dalawang pamilya ang involved d'yan."

"Kilala mo naman s'ya, 'di ba?"

"Oo, kilalang-kilala at kilala rin kita!"

"Ay, grabe! Napaka-hard mo naman sa 'kin, Cous'!"

"Seryoso ako Alizanabelle kaya umayos ka! Huwag na huwag mong ibibilang sa mga koleksyon mo 'yang pamangkin ko."

Mangangatuwiran pa sana ako pero naputol ang pagbuwelo ko sa pagkatok ni Ace sa pinto.

***

Mahigit kalahating minuto na kaming bumabiyahe pero hindi pa rin nag-o-open ng topic si Ace. Nakapagtataka kasi ngayon lang siya naging ganito katahimik. Nag-aalala tuloy ako tungkol sa iniisip niya.

Sabi nila, may pagka-playboy rin daw itong si Ace kaya dapat ako mag-ingat. Pero sino ba ako para husgahan siya't ikumpara sa sarili ko na matagal nang pariwara? I shouldn't be this naive since I never experienced a formal courtship and never been involved in a serious relationship.

Hold on! Aliz, he's just Ace. There's nothing new.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon