A farewell party

12 7 0
                                    

"Aliz, sigurado ka na ba talaga kay Badr-al-Din?" paniniyak ni Jackson habang kausap ako sa veranda. Patapos na sana ang pag-uusap namin tungkol sa custody ni Stella nang bigla niyang i-open ang tungkol sa bagay na iyon.

"Papunta pa lang," matipid kong sagot.

There's no sense of lying because he knows me more than anyone else.

Wari'y ibinaling ko na lamang ang tingin sa ibaba ng veranda kung saan naroon ang mga kamag-anak ni Badr-al-Din. Nagtatawanan ang mga ito. Bahagya rin nagtama ang paningin namin ni Badr-al-Din. Sa sandaling iyon ay para bang nagkasundo kami sa tingin. Tumango ito bilang sign na 'go ahead, ituloy ko lang daw ang pakikipag-usap kay Jackson'.

"Actually," magsasalita pa sana ako pero kaagad namang hinawakan ni Jackson ang kamay ko na nakapatong sa railing.

"Ayaw mo ba bumalik?" Jackson added.

Medyo nailang ako sa paghawak niya sa kamay ko. Nakaiilang dahil naroon ang mga kamag-anak ng fiancée ko. Kahit hindi sila magsalita ay alam kong inoobserbahan pa rin nila ako. Alam ko na may mga sinasabi sila tungkol sa 'kin.

"Baka puwede, ako na lang uli?" pagsusumamo ni Jackson para i-destruct ang isip ko. "Baka kaya pa natin ayusin? Isa pang chance, Aliz. Please?"

God knows how much I'd waited for this moment. Pero kailangan kong kumalma because it's too late. We're over.

"N-noong birthday mo," wari'y humugot muna ako nang lakas ng loob saka itinuloy ang sasabihin, "Plano sana kita regaluhan ng 'star'. Nakahanda akong ibigay ang bituin sa 'yo dahil iyon ang alam kong makapagpapasaya sa 'yo. Kahit break na tayo noon, umaasa ako na mababawi kita sa pamamagitan ng 'star'. Kaso hindi ko naibigay ang 'star' na gusto mo kaya nag-decide akong itapon na lang ang regalong iyon para maging madali sa 'kin na kalimutan ka. Kaso, hindi ko nagawa.

Pero sa kabila noon, nagpapasalamat pa nga ako dahil iyon ang nakatulong sa 'kin sa napakaraming paraan. Sa nakalipas na four years, maliban sa mga kaibigan ay wala ako ibang napagsabihan ng mga problema kung 'di ang 'star' lang. To the point na bigla na lang nawala 'yong 'star' na iyon. Hindi ko alam kung saan ko nailagay o naiwan. Nagising na lang ako isang araw na okey na ako kahit wala ang 'star' na ginawa kong 'voice recorder'."

Bahagya kong pinunasan ang mga nangingilid na luha sa mata bago pa man iyon magsimulang tumulo.

"Kahit baliktarin pa natin ang mundo ay hindi ito mabubura nang katotohanang ikaw ang biological father ni Stella. Ikaw at ako, puwede pa rin tayo tumayo bilang mga magulang niya kahit hindi magkasama sa iisang bubong," paliwanag ko pa habang nakatingin sa nagsusumamong mga mata ni Jackson.

"Pero Aliz, mahal pa rin kita."

"Iyon nga lang, iba na ang situwasyon ngayon. Iba na ang Alizanabelle na minahal mo noon. Siguro nga minsan kitang hinabol pero hanggang doon na lang ang minsan na 'yon," pagkasabi'y pasimple kong hinigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi ako nagbago. Natuto lang. Hindi kasi ako puwede maging tanga habambuhay... At labis kitang pinapasalamatan sa pagtuturo mo sa bagay na 'yon."

Pagkalayo kay Jackson ay nangangatog akong naglakad pababa sa hagdanan.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon