"C' mon Zanabelle, are you with us?"
Binuga ko lamang ang usok ng sigarilyo bilang sagot. Nag-form iyon nang heart.
"I got it! Si Ace na naman, 'no?"
"I miss him," iyon ang mga salitang nasabi ko out of nowhere.
"Girl, ayaw na sa 'yo ni Ace — rather as ginawa ka lang niyang rebound pero patuloy mo pa rin siyang ginugusto. Paano ka makaka-get-over niyan?"
"Hay, naku! Karma na 'yan! Masyado ka kasing pakipot!" palipad-hangin naman ni Aneesa.
"Eh, sasagutin ko na nga dapat, 'di ba?!" halos napasigaw ako sa tagpong ito. "Saka hindi ako pakipot! S-sinusubukan ko lang kung paano mag-effort ang seryosong lalake." bahagya ko nang binaba ang intonation ng boses ko. "Unfortunately, he didn't pass my challenge," isinubsob ko ang ulo sa kahabaan ng lamesa.
"Sandaling emote lang 'to. Makaka-get over din ako. Mai-le-let go ko rin siya... Thankful ako kasi nalaman ko ang totoo bago ko pa siya sagutin. At masaya ako kasi siya ang dahilan kung bakit masaya ang kapatid ko ngayon," hindi ko na rin napigilan ang mabilis na pag-agos ng luha mula sa 'king mga mata.
"Kakaiba ka talagang Ate," komento ni Aneesa.
"Anyway, nakapunta ka na ba sa bahay nila Justine Ace at naipakilala personally sa pamilya niya?" saad naman ni Hye-jin. "I mean, sa totoong bahay nila, ha. Hindi 'yong sa Lola n'ya."
Umiling ako.
"Eh, nadala ka na ba niya sa mga romantic spot and nakasamang sumakay sa rides or maglaro sa arcade? Nagkasama mag-stargazing or inabangan ang paglubog at pagsikat ng araw?"
Umiling ako.
"EXACTLY!" sabay na bigkas nila.
Umihip ako ng sigarilyo. "At ipinagpapasalamat ko nga ang bagay na 'yon. Walang dahilan para hindi ko siya makalimutan dahil kakaunti ang memories na napagsamahan namin."
"Don't worry, marami ka naman back up, eh! Napakatanga ni Ace para pakawalan ang isang Alizanabelle H. Luna na pinagpapantasyahan ng mga elite successor. Hindi siya kawalan! He's just a Kuripot Jejemon."
Bahagya akong natawa sa sinabing 'yon ni Hye-jin.
"Saka kung seryoso talaga si Ace sa ginawang panliligaw sayo noon, eh 'di sana hinintay ka niya! Tignan mo ang Kuya ko, hanggang ngayon ay hinihintay ka pa rin," dugtong ni Aneesa. "Ewan ko ba kay Kuya kung bakit baliw na baliw 'yon sa 'yo?!"
"Don't worry makaka-graduate na 'ko next year and malapit na rin grumaduate ang feelings ko para kay Ace."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Подростковая литератураWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...