Justine Ace's POV
"It's nice to see you again po, Ma," giit ni Bela matapos makipag-beso-beso kay Mama.
Makalipas ang limang buwang paghihiwalay ay ngayon ko lang siya nadala sa bahay nila Lola. Heto nga't nandito kami sa sala kaharap ang iba pa namin mga kamag-anak. Death anniversary kasi ni Papa.
"Oh siya, tulungan mo na lang ako sa paghahain," sagot naman ni Mama.
"Naku! 'Wag na po tayo mag-abala Ma, parating na po kasi ang catering na pinahanda ko para sa event."
"Kung okey lang sana, baka puwede pa i-cancel yon, Ija?" sabat naman ni tita Ophelia. "Masyado kasi marami 'yong pinamalengke namin, masasayang lang kung magdodoble ang handa."
"Ah, eh, sige po, Tita, I'll try. Let me excuse for a while, I'll call the caterers to cancel," sagot niya saka dumistansya sa amin.
"Ace, dati pa hindi ko na talaga gusto ang kasosyalan niyang si Bela! Ewan ko nga, bakit binalikan mo pa 'yan?!" maktol ni Tita. "Oh siya, pakisabi na hanapan ng ibang pagpaparadahan ang kotse niya. Masyadong makasisikip sa bakuran kapag dumating na ang ibang bisita."
"Mabuti pa, puntahan ko na sina Elsa at Zanabelle," giit naman ni Mama. "Sa kanila na lamang ako magpapatulong nang paghihiwa sa mga rekado," pagkasabi'y umalis na rin ito.
Sandaling tumahimik ang paligid ngunit kaagad din iyon naputol sa pagsasalita ni Lola.
"Kapag nalaman ng ninong Rey mo 'yang pinaggagagawa mo sa mga anak niya'y ewan ko na lang! Pamilya sa pamilya ang usapan dito, Apo. Isipin mo na lamang na tayo ang magiging kahiya-hiya kapag nagkaroon ng eskandalo."
"Pamangkin, past is past. Ex is ex! Kapag break na, dapat wala nang balikan. Kaya nga ex, 'di ba? Ibig sabihin ekis!" paalala rin ni tito Felix at tinapik ako sa balikat.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...