I'd still say 'yes'

15 11 8
                                    

Justine Ace's POV

Ngayon sana ang araw ng kasal nina Aliz at Badr-al-Din kung hindi lamang nakansela. Pero kung matuloy man iyon ay malamang na mauurong pa rin dahil sa masamang lagay ng panahon. Signal number three kasi sa buong Metro Manila.

Ngunit kahit na ganoon ay pagkagising na pagkagising ko pa lamang kinaumagahan ay kaagad ko nang tinawagan si Aliz para yayain makipagkita at dumalaw sa sementeryo kung saan nakalibing ang mommy niya at ang papa ko, katulad noon.

Sa oras na ito ay nakahanda na ako suungin ang pinakamalakas na bagyo makasama ko lang si Aliz. Nakahanda akong languyin ang pinakamalalim na dagat o iurong ang nagtataasang mga bundok na haharang sa pagitan namin. Maging ang Mt. Everest ay aakyatin ko kung kinakailangan. Basta para sa kaniya, kahit ang bituwin ay nakahanda kong abutin. Kung ako nga lang ang hari ng mga puso ay baka matagal ko na siyang napabantayan kay Kupido.

Tae, napaka-corny!

Gusto ko masigurado ang araw-araw niyang kaligtasan, 'yon bang oras-oras ay gusto ko siyang busugin sa pagmamahal ko. Kung kabaliwan man ito ay mas gugustuhin ko pa ma-confine sa puso niya kaysa sa mental hospital. Ewan! Siguro nga ay masyado lang ako nasasabik sa pagmamahal ni Alizanabelle. Hindi pa nga niya inaaming mahal niya 'ko ay kung ano-ano na itong mga iniisip ko. Natatawa na nga lang ako sa ka-corny-han ko!



Alizanabelle's POV

Katulad noon, sa sementeryo ko pa rin plano ituloy ang naudlot na confession kasama sina Aneesa at Hye-jin.

This time, I'm sure na darating si Ace anoman ang mangyari. Hinding-hindi niya 'ko i-indian-in kahit na signal number three typhoon pa ang humadlang.

"Ano Ajumma, forever ka na lang maghihintay?!" bulyaw ni Hye-jin na halos nanginginig na sa ginaw.

"Naku! Kapag in-indian ka na naman ng Justine Ace na iyan malilintikan na talaga 'yan sa 'kin!" saad naman nang nanggigigil na si Aneesa.

"Relax lang girls, darating si Ace," my positive thinking.

Alam kong masyado na kaming matatanda para sa ganitong kalokohan ngunit anong magagawa ninyo kung umiiral ang pagiging corny ko? Saka sweet naman tignan lalo na kung gagawin ko ito para sa lalakeng mahal ko.

Oh, yes! Mahal ko nga si Ace!

Mahal na mahal ko siya at nakahanda na akong ipagsigawan 'yon sa buong mundo. This time ay aaminin ko na talaga sa kaniya kung gaano ko siya kamahal at kung paano ko siya gustong pahalagahan.



Bela's POV

"Hi, Felix!" bungad ko pagkapasok sa bahay nila at feel home na naupo sa sofa. "Ano 'yang pinanonood mo?"

Bahagya siyang sumulyap sa 'kin. "Bagyong-bagyo nangangapitbahay ka. Lakas din ng topak mo, 'no!" sagot naman niya na napangisi muna bago ibinalik ang tingin sa pinapanoorang cellphone.

"Well, ikaw ba naman kasi ang ma-excite sa iuuwing surpresa ni Alizanabelle, 'di ba?" sabi ko naman na napayakap pa sa throw pillow na naroon. "Eh, ano nga kasi 'yang pinanonood mo?" dagdag ko sabay na inagaw kaniya ang cellphone. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

"Sumobra naman yata 'yang pagkakahigpit ng turnilyo diyan sa utak mo? Keep it up, Tol!"

"Teka, hindi pa 'ko tapos manood!" inis na sabi ko nang bawiin niya ang cellphone.

"Tsismosa!"

Makalipas ang ilang minutong pananahimik ay bigla naman bumaba sa hagdanan si Charles.

"Wala kang shoot?" tanong ko ritong nakaloloko.

Umiling si Charles pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Felix.

"Tito, nakaalis na ba si Kuya? Naiwan niya kasi 'tong 'eye drop'," giit nito na wari'y inabot ang maliit na bote.

"Ito nga rin, oh! Pati cellphone niya ay nakalimutan din ng kapatid mo!" napailing si Felix. "Atat na atat naman kasi!"

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon