The Witchcraft

25 13 1
                                    

Justine Ace's POV

"Excuse me, Nurse. Nasaan na ang pasiyente sa kuwarto na 'to?" tanong ni ninong Rey sa Nurse nang madatnan itong nililinis ang kama.

Sinama ko sa hospital si Ninong dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo ni Aliz. Hindi na rin kasi kaya ng konsensiya ko na ilihim sa pamilya nila ang mga nalaman tungkol sa kalagayan ng isa sa kamag-anak nila.

"Naku! Sir, kata-transfer lang po namin sa Morgue, mga 30 minutes na."

Sa narinig ay kaagad kaming nagkatinginan ni Ninong na para bang iisa ang iniisip.

Pagkarating sa hallway ay naabutan namin si Bela. Nakasandal ito sa pader, malayo ang tingin at may nangingilid na luha sa mga mata. Hindi pa man kami nakapapasok sa pinto ay rinig na rinig na namin ang hagulgol sa loob.

"N-naligaw ka yata?" tanong ni Bela nang maaninagan ang paglapit namin.

Magsasalita pa lamang ako ay kaagad na itong niyakap ni ninong Rey.

"Anak, I'm sorry."

"Umalis ka na!" pagtataboy ni Bela at buong lakas na itinulak si Ninong papalayo.

"A-anak... Anak, 'wag mo naman gawin 'to sa Daddy. Pagkauwi ko, hinanap ko kayo ka'gad. Ilang beses ako bumalik sa mansion. Anak, bakit hindi mo 'ko tinawagan? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na ganito na pala ang situwasyon ninyo? Anak, bakit mo sinasarili ang lahat?"

"Magmula noong umalis ka kasama 'yong kerida mo ay matagal mo na rin tinakasan ang pagiging ama sa 'min. Apat na taon akong tumayo mag-isa, akay-akay sina Ariel at Ysa... Nakaya na namin ang mabuhay na wala kayo. Then after all, bigla kang susulpot para itanong sa 'kin 'yang mga tanong na alam mo naman ang sagot."

Blangkong-blangko ang mukha ni Bela na hindi halos makatingin sa kaharap.

"Sige pumasok ka! Pumasok ka para makita mo ang resulta niyang pagpapabaya mo sa 'min!" pagkasabi'y umakto ito para ipagtulakan papasok si ninong Rey.

Katulad nang inaasahan, naabutan nga namin ang kahabag-habag na senaryo kung saan iniiyakan ni Ysa ang malamig na bangkay.

"A-Ariel, ikaw na ba ang unico ijo ko? Ariel? Ariel?" napahagulgol sa pag-iyak si Ninong habang niyayakap ang walang malay na anak. "Umalis ako matapos ang libing ng Mommy mo... Bakit kailangan pati sa pag-uwi ko ay bangkay mo naman ang sumalubong? Ariel, nag-promise si Dad na maglalaro pa tayo ng basketball, 'di ba? Ariel, t-tumayo ka na riyan..."

Hanggang maaari ay ayoko nakakikita nang patay sapagkat kamatayan lamang ni Papa ang palagi kong naaalala.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon