Are you worth risking for?

53 18 16
                                    

"Hindi ka ba talaga sasama sa 'kin?" pag-uulit ko ng paanyaya na tila hindi sineryoso ang joke niya.

Hindi siya sumagot. Sa halip itinuon lamang niya ang atensyon sa pagtawid.

Nakita kong parating ang isang kotse na matuling tumatakbo papunta sa direksyon niya kaya naman bago pa siya makahakbang palayo ay hinigit ko na siya pabalik sa 'kin.

"Okey ka lang?" tanong ko matapos siya pigilan sa planong pagje-jaywalking, "Loko 'yon, ha!" tukoy ko sa sasakyan.

"Sana pinabayaan mo na lang ako," walang emosyon naman niyang pagkakasabi saka pinagpatuloy ang paghakbang.

Dinaig pa niya ang pakikipagpatintero ng Traffic Enforcer sa mga naglalakihang sasakyan. Bagaman kamuntikan na siyang masagasaan kanina ay walang takot pa rin niyang ipinagpatuloy ang pagtawid.

"Aliz, sandali lang!" naglakas-loob akong sundan siya.

Binilisan ko ang paglalakad at hindi inalintana ang pagpito ng Traffic Enforcer. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng highway nang marating niya ang kabilang sidewalk.

"Ace, hindi ako college grad., wala akong trabaho, itinakwil ako ng pamilya ko! Napakagulo ng buhay ko, kaya kung puwede, lumayo ka na! Iwasan mo na lang ako!"

"Then, what's the big deal?" sagot ko naman.

Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa 'min. Ang mahalaga ay maisigaw ko ang tunay kong nararamdaman.

"Aliz, I like you, just the way you are. And honestly, I am more than willing to fix you out from that mess!"



Alizanabelle's POV

Pinaghintay ko siya on our first date.

I wore plain black leggings and a white Nike shirt paired with a string bag and Airmax. My typical attire tuwing pupunta sa gym. Pasado alas-otso na noong nakauwi ako sa bahay. Heto nga't kalaliman na ang gabi pero busy pa rin ako sa pagvo-voice record.

"All I can say, he is a nice person naman although there are awkward cases just like— kabarkada siya ng mga pinsan ko, pamangkin s'ya ng mga pinsan ko and family friend na rin namin sila. There is too much closeness between their family and ours kaya nga napakahirap pasukin ang ganitong klaseng setup.

Though both sides ay 'boto' for us naman but still there is the feeling of hesitation. Iyon bang, anytime I say 'yes' ay magiging legal ang relationship namin directly or baka nga sila pa ang magpa-party. Pero kasi, nandito pa rin 'yong doubt. Like, what will happen if we didn't work in a serious relationship?

God please, don't let him na sanayin ako sa ganitong company. I don't want the feeling of needing and wanting someone so badly. Ayokong ma-fall and mag-assume when in the end ako na naman ang loser.

On the other hand, I don't want to break Alizanabelle Hoshizora Luna's playful image because until now hindi pa rin ako nakaka-recover sa pagkamatay ni Mommy."

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon