Chapter Two
Justine Ace's POV
Maganda si Aliz kaya ko siya nagustuhan. Pero sa pagpapatuloy ng pag-uusap namin ay hindi lang pala kagandanhan niya ang nagustuhan ko sa kanya. Kahit may mga pagkakataon na sinusungitan n'ya 'ko sa chat ay ayos lang basta ang mahalaga nama'y nagre-reply pa rin siya, medyo late nga lang minsan.
Pakiramdam ko ay napakalalim ng mga pinagdaraanan niya sa buhay dahil napakalungkot ng mga mata niya. Bihira lamang siya tumawa at kung ngumiti ay napakatipid. Parang sapilitan. Ibang-iba siya kumpara sa mga masayahing babae na nakilala ko.
Mabuti na lamang maagang natapos ang shift ko sa trabaho kaya mahaba-haba ang oras ko para makapaghanda sa naka-schedule kong 'date' ngayon. Kaagad ako dumiretso sa bahay nila Lola para mag-asikaso. Kahit wala pang tulog o pahinga ay nagmadali na akong pumunta sa banyo para magsipilyo, maligo at maglinis nang naglalagkit na katawan. Sinuot ko ang plain white v-neck, khaki short at tinernuhan ng top-sider na ibinasta kagabi pa lang.
"Pare, baka matunaw na 'yang salamin sa tagal mong magpaguwapo!" kant'yaw naman ni tito Felix na sumira sa ginagawa kong konsentrasyon sa harap ng salamin. "Kung ako sa'yo kakatokin ko na ang pinto ng kapitbahay kasi paniguradong kagabi pa 'yon inip na inip! Tiwala lang, mapapa-oo mo rin 'yan."
Ito ang araw na napapayag ko si Aliz sa 'date' na matagal ko nang pinapangarap kaya gusto ko maging perpekto ang lahat. Ayoko naman isipin na madali kong makukuha ang sagot ni Aliz dahil hindi gano'n kadali ang makipagsabayan sa manliligaw niyang Muslim na gabi-gabi kung magparada ng pulang Porsche sa tapat ng bahay nila. Samantalang ako ay kakarag-karag na Yamaha Mio lamang ang maipagmamalaki.
Ang swerte ko kasi ine-entertain n'ya pa rin ako.
Matapos humugot ng lakas ng loob ay hindi na 'ko nagdalawang-isip na lumabas para puntahan si Aliz sa bahay nila.
***
"Wow! Fishballs!"
Pagkaparada ko pa lamang ng motor ay bike na naglalako ng mga tinutuhog na pagkain ang bumungad sa 'min.
"Kuya, do you have an egg waffle? It's like boiled quailed eggs coated with an orange batter and deep-fried until the batter is crispy."
Natawa na lamang ako habang nilalarawan ni Aliz ang Kwek-kwek.
"Mahilig ka rin pala sa street food," puna ko saka siya pinagtuhog ng Kwek-kwek.
"Not literally. I just want to taste the feeling of walang nagko-control sa mga gusto ko kainin," bahagya siyang bumaling sa 'kin. "I mean, I miss eating like these."
Sa tiangge-an ko siya dinala. Nagpasama ako sa kaniya sa pagbili ng jacket at pang-exchange gift para sa Christmas party namin sa office. Magaling siya mamili ng design at hindi ko rin inakala na magagawa niya makipagtawaran ng presyo sa tindera.
"Isasama sana kita sa Christmas party namin ngayong alas-kuwarto, kung okey lang?" pagdadalawang-isip ko kung papaano bubuksan ang topic na iyon habang pinanonood siya kumain ng siomai.
Pang-round two food trip na namin ito.
"Duh? Five o'clock na. Sana sinabi mo para nakapag-set na lang tayo ng ibang date.
"Ayaw!" mariin kong tanggi.
Napatingin tuloy s'ya sa 'kin at napatigil sa pagkain.
"A-ayoko 'tong i-cancel. M-magiging busy na kasi ako sa ibang araw."
Hindi na siya nakapagsalita.
"Silence means 'yes' na nga ba?" umakto akong daanin siya sa pagkindat para mapapayag.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Fiksi RemajaWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...