"Oh siya, umuwi na kayo. Medyo kalaliman na rin ang gabi," pag-aaya ni ate Elsa matapos ang senaryong iyon."Bela, pakikuha na lang sa waiter 'yong pina-take out kong meal. Ipasalubong mo kina Ariel," pakiusap ko naman.
"Bakit hindi ka sumama sa 'kin sa mansion para naman makita mo sila at personal mo iyong maibigay?"
"Until now, galit pa rin sila sa 'kin. Kaunting tiis na lang naman at mababawi ko na kayo kay Lola. Mabibili ko na rin 'yong pinag-iipunan kong bahay para sa 'tin. At s'yempre makakasama do'n si Dad."
"Hindi naman natin kailangan lumipat ng bahay, eh," wari'y hinawakan ni Bela ang kamay kong nasa lamesa. "Everything is under my control and if you just have at least a little courage to face Lola and the others, they'll forgive you."
"Sana ganoon kadali."
"You should forgive yourself first."
"Ang drama n'yo naman! Parang totoo, ah!" sabat ni Ace.
"Love, huwag ka ngang kill joy! Sinisira mo 'yong momentum, eh!"
Pagkaalis sa restaurant ay nagkahiwa-hiwalay na kami. Dumiretso si ate Elsa sa trabaho kung saan namamasukan bilang Store Manager sa Chow King, grave yard ang duty niya. Si Bela naman ay sa mansion, bitbit ang mga ipinadala ko. Si Ace ay sa hospital daw ang punta, hindi ko na inalam kung bakit.
Samantala, kung dati ay nirerentahan lang ng mga pinsan ko ang tinitirhang apartment, ngayon ay pagmamay-ari ko na iyon. At ang kagandahan doon ay ipinangalan ko kay ate Elsa ang titulo ng lupa. Pinili ko manatili sa bahay nila kahit pa successful na 'ko sa buhay dahil sa malaki ang naging bahagi nila para marating ang tagumpay na tinatamasa ko ngayon.
Katulad nang dati ay patuloy pa rin ako sa pagvo-voice record sa voice recorder. Malapit na nga itong mag-memory full dahil sa inaaraw-araw ko ang pagre-record.
"Sa ngayon ay kailangan ko na paghandaan ang pagiging ganap na Muslim," isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos 'yon.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Novela JuvenilWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...