ONE MORE CHANCE

24 14 3
                                    

Chapter Eight

Alizanabelle's POV

Kasama ko na si Ace ngayon sa park kung saan ang meeting place namin nina Bela at Badr-al-Din.

"Out of coverage, minsan naman number busy," saad ni Ace matapos tawagan nang paulit-ulit ang cellphone number ni Bela.

"Same with Badr-al-Din. Ano kaya ang nangyari sa kanila?"

"Think positive Aliz, malay mo naman nakatulog lang,"

"It's one of the most awaited days, do you think palalagpasin nila 'to? Especially, Bela."

"Baka may emergency. Kumalma ka lang."

"Pasensiya na kapatid ko kasi ang involved!"

"Oo, kapatid mo nga pala,"

"I'm sorry? What did you just say?"

"W-wala," napailing siya. "Anong oras na? Paano kung kanina pa pala naghihintay ang Daddy mo sa airport?"

"I'd rather leave," sagot ko at biglang tumayo sa bench na kinauupuan saka inayos ang sarili. "Maiwan ka na lang dito."

"Do you think I will let you commute on your own?"

"You have to. Wala naman mangyayari kung sasakay tayo diyan sa motor mong iisa ang helmet!"

Natawa siya. "Not to mention, kabibili ko lang kanina ng isa. Tinago ko muna para sana i-surprise si Bela. Pero mukhang hindi naman siya makakasama, eh 'di binyagan mo na!" pagkasabi'y sinuot niya sa ulo ang hawak na helmet saka lumakad papunta sa pinagpaparadahan ng motor.

"Ace, huwag na."

"Sus! Para ka namang others! Eh, kung bakit ba naman kasi pati ang fiancée mo, missing in action pagdating sa mga ganito kaimportanteng araw! Naku, ewan! Sigurado ka ba talagang mahal ka no'n?" giit niya saka inabot sa 'kin ang bagong helmet na kinuha sa compartment ng motor.

Ano naman ang alam mo sa pagmamahal?

"Aliz, ano na?"

"Ah, eh," pagdadalawang-isip ko saka sinulyapan ang pinanggalingan namin sa pag-asang baka parating na si Bela.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong kinabahan.

"Aliz?" pag-uulit niya, mga limang beses na yata. "Uy Aliz!"

"I'm sorry. Oh, siya! Sige, tara na."

Umangkas ako sa likuran ng motor niya katulad noon. At kagaya nang dati ay napakatahimik pa rin namin habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA.

"Gusto mo makinig ng music?" tanong niya makalipas ang ilang minutong pagmamaneho.

"Paano naman?"

"Tanggalin mo 'yong isang earphone sa tainga ko."

That moment...

Nang kunin ko ang earphone ay hindi ko alam ang title ng kantang pinapatugtog niya. Wala sa loob kong unawain ang lyrics kaya kung saan-saan na naman nakarating ang isip ko.

Noon pa man, hindi ko na talaga trip ang genre ni Ace pagdating sa music at wala pa rin pala siyang pagbabago hanggang ngayon. Kahit ang earphone at motor niya, hindi pa rin nag-e-evolve into Bluetooth earphone or sports car man lang.

Napakakuripot n'ya talaga!

Umihip ang napakalakas na hangin hanggang narinig ko na lang na kumakanta na si Ace. Sinasabayan niya ang tugtog.

"Sana hindi na lang pinilit pa, wala rin patutunguhan kahit sabihin ko pang mahal kita. Nayayamot, nabubugnot. 'Di ko na yata kaya pang labanan ang damdamin ko..."

Nang maunawaan ko ang lyrics ay mas lalo lamang nadagdagan ang bigat sa dibdib ko.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon