A Father figure

20 15 7
                                    

Malaki ang pangangailangan ko sa kaniya at napaka-unfair dahil hindi ko magawang suklian nang buo ang pagmamahal niyang 'yon.

"Ah, Mama?"

"Oh, yes, Stella-chan?"

"Kapag po ba natuloy na 'yong wedding ninyo ni Ojisan puwede ko na siya maging Papa?"

"Why thinking of that, Stella-chan?" napahinto ako sa paglalakad at nakangiti siyang kinarga.

"Kasi po, my classmates have their Daddies. I want to have Papa na rin po."

"But you already have yours. Have you seen Lolo Rey? You can call him 'daddy' as far as you want."

"But, daddy mo na siya, eh. I want mine!"

"Okay, okay, I'll buy you a Papa."

Napaismid lamang si Stella.

At her very young age, I can surely say she's mature enough to think and to understand those kinds of things. Knowing na nanggaling siya sa Japan kung saan na-trigger sa mga maliliit na challenges. But then, she's still a child. A child who's seeking family, attention, and some things to play. Heto nga't kung ano-ano na namang ang mga laruan na nagustuhan niyang bilhin.

We were about to pay at the counter. Unfortunately, naiwan ko pala ang bag ko sa kotse. Ayoko na sana bilhin ang mga nakabalot, kaso nakakakonsensyang makita na malungkot ang anak ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil malamang na magta-tantrums siya. Humahaba na rin ang pila sa counter at mukhang matatagalan pa bago makabalik si Badr-al-Din.

"I'll pay for them, Miss." utos ng kung sino sa kahera. "Here's my card," hindi ko alam kung saan siya nanggaling dahil basta na lamang siya sumulpot sa harap ko.

But one thing's for sure, he knows me... And we know each other. Kilalang-kilala.

Matapos ang senaryong iyon ay lumabas na kami sa toy store kasama ang lalaki kanina. Ibinili rin niya ng cone of strawberry ice cream si Stella- chan.

"Ihuhulog ko na lang sa account number mo ang mga nagastos. Salamat," casual kong pagpapasalamat sa kaharap.

"Don't mention it... That's just a father's thing," pagkasabi'y binaling niya ang tingin kay Stella na sarap na sarap sa kinakaing ice cream. "After all, I'm the one who should pay for my shortcomings."

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon