Chapter 4: The Caste System
Marami akong nalaman tungkol kay Ulvia sa school dahil sa kakadaldal niya. Buti nga 'di siya napapagod.
Ang school ay mayroon daw apat na parte, at ang structure ng school ay pabilog kung saan mayroong kagubatan sa gitna.
Ang West Wing na kinaroroonan namin, kung nasaan ang opisina ni Professor George, ang infirmary, ang faculty rooms pati na rin ang detention room, o mas kilala sa tawag nilang Dungeon. Sabi ni Ulvia, walang sinuman ang gugustuhing pumunta roon. Kinilabutan naman ako dahil doon.
Sa South Wing naman nandoon ang lahat ng classrooms, ang school Dining Hall, library at ang auditorium kaya ikino-consider na 'yun ang pinakamalaking parte ng school.
Sa East Wing, nandoon ang dormitory. Hiwalay ang sa babae at sa mga lalaki. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil kanina ko pa prino-problema ang tungkol sa tirahan.
At ang huling parte ay ang North Wing, ito ang lugar kung saan walang estudyante ang pwedeng pumunta. Pero sabi ni Ulvia, may isang estudyante raw ang nagtangkang pumasok doon at halos wala ng buhay nang makabalik. Naikuwento pa raw niya na kung inaakala ng lahat na ang South Wing ang pinakamalaking parte ng school, walang-wala iyon sa North Wing. Dahil iyon daw ang pinaka-puso ng school.
"Pinaka-puso? Anong ibig sabihin nun?" tanong ko kay Ulvia.
"Well, hindi ko rin alam. Walang may alam. Dahil pagkatapos nun, umalis sa school na 'to ang lalaking 'yun." sagot niya.
Ano naman kayang meron sa North Wing?
"Pero alam mo bang may mga ilan na estudyanteng nakakapunta sa North Wing ng walang kagalos-galos pagbalik?" napalingon naman ako sa kaniya at napakunot ng noo.
"Huh? Akala ko ba ipinagbabawal sa lahat?"
"Hindi ko rin alam kung paano nila nagagawa iyon. Pero isa na run si Zynon Carter." sabi niya at napangisi.
"Zynon Carter?" siya yung lalaki. "Anong meron sa kaniya?"
"Siya ang ikino-consider na pinakadelikado, pinakamagaling na estudyante dito sa school, at pinakamatalino!"
Napaismid naman ako. Naalala ko tuloy nang makita ko siyang nakasuot ng barong.
"Talaga?"
"Oo, at pinakagwapo pa! Perfect is his last name nga ika nila. Pero magye-yelo nga lang ang magtangkang lumapit at kumausap sa kaniya dahil ang suplado at masyadong cold sa mga tao. Hindi rin siya pumapasok sa mga klase. Ni isang beses lang sa isang buwan siya makita dahil palagi siyang nasa North Wing."
"Ta-talaga?"
"Yeah, right! Kaya mag-iingat ka sa kaniya!" sabi niya at kinindatan pa ako. Napangiti na lang ako ng alanganin. Talagang mag-iingat ako.
"And isa pang nakakapasok sa North Wing ay ang School President, si Gwen Zifarro." sabi niya.
School President? Ang sinasabi ba niya ay yung babaeng mataray na kulot ang buhok?
"Si Gwen, hmm, paano ko ba siya ide-describe? Laging nakataas ang kilay at para siyang agila na kung may ginagawa kang kalokohan ay makikita at makikita ka niya. Isa siya sa kinatatakutan dito sa school. Daig pa niya ang mga professors sa pagka-istrikto. She's a walking terror."
Muntik naman akong mapatawa dahil sa paraan ng pagkukuwento ni Ulvia. Seryosong-seryoso kasi siya.
"Hay nako! Huwag na nga natin silang pag-usapan! Nai-stress ang beauty ko!" sabi niya sabay flip ng hair.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirgeschichtenXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
