Chapter 10: Her Sickness
"Xhiena! OMG! Hindi talaga ako makapaniwala. You're a novice, but you're so super amazing! Ngayon meron ka ng 100,000 points! Makakahabol ka kaagad kapag ipinagpatuloy mo 'yan!" sabi ni Ulvia sa akin kaya napangiti ako.
"Tama, Xhiena! Kapag sunod-sunod ang matataas na success rate mo, may posibilidad ka na maging isang prime!" sabi pa ni Ulvette.
Maging isang prime? Kagaya ni Zynon?
"Masyado naman yata kayong nago-overreact! Paano naman ako magiging prime, hindi nga ako marunong makipaglaban, lalo na sa inyo. Tao lang ako, no?" sabi ko.
"Matututunan mo rin 'yan, Xhiena. Don't lose hope, okay?"
Napangiti ako at napatango.
Kasalukuyan kami ngayong nasa Dining Hall nila Ulvia at Ulvette at kumakain. Katatapos lang kasi ng klase at medyo naging usap-usapan din ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman kasi inaakala na magiging instant celebrity nanaman ako dahil sa ginawa ko.
Napatigil naman kami sa pagkaing tatlo nang may lumapit sa aming dalawang lalaki.
Napatulala ako dahil ang gagwapo nila. Para silang mga anime na lumabas sa T. V. dahil sa mga buhok nila. 'Yung isa kulay blue 'yung buhok na bumagay naman sa kaniya, may pagkasingkit siya at maputi. Tapos 'yung isa naman ay may dye na kulay green 'yung buhok at ang astig naman ng aura niya. Meron din siyang hikaw sa kaliwang tenga.
"Hi, ladies! Can we join you?" sabi nung may kulay green ang buhok tapos lumapit kay Ulvia saka siya hinalikan sa pisngi.
Napasinghap ako. O-kay? Anong nangyayari?
Umupo naman sa tabi ko 'yung blue ang buhok tapos nginitian ako.
"Ikaw ba 'yung sinasabi ng kambal na bagong kaibigan nila?" tanong niya sa akin.
"Ah, a-ako nga."
"Kung ganun, nice to meet you. I'm Funter." pakilala niya. "And you are?"
"Xhiena." sagot ko kaya napatango-tango siya.
"So, Xhiena pala ang pangalan mo. I'm Perk by the way. I'm Ulvia's boyfriend." pakilala naman nung lalaking may green ang buhok na nakaakbay na kay Ulvia.
Doon ako naliwanagan. Kaya pala.
"So, ikaw, Funter. Boyfriend ka rin ni Ulvette?" tanong ko naman sa katabi ko.
"Ah, no. We're bestfriends." sabi niya kaya napatingin naman ako kay Ulvette tapos nakita ko siyang parang namumula.
Hmm, I smell something fishy here. Palihim na lang akong napangiti at hindi umimik.
Nagkakuwentuhan naman kaming lima. Matagal na pala silang magkakaibigan, simula bata pa.
Nakakatuwa lang silang kausap at sobrang gaan ng loob ko sa kanila.
Nang mag-dismissal na nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Papunta na ako sa dormitories nang maalala ko si Dober. Hindi naman siguro masama kung bibisita uli ako sa tree house.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirgeschichtenXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
