Chapter 58: Hunted

33.2K 1.3K 69
                                        

Chapter 58: Hunted

Napasabunot ako sa buhok ko at napatawa habang lumuluha.

"Ano bang nangyayari? Anong nangyari?" kausap ko sa sarili at napahalakhak, "Wala lang iyon. Ano naman kung pinatay niya ang sarili niya, wala lang iyon. Wala lang iyon."

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at napatawa uli, "Wala lang iyon, Kezia. Wala lang."

Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko pero nanlalamig na ang mga kamay ko at patuloy sa panginginig ang katawan ko.

Unti-unting natutunaw ang yelo sa braso ko at nagiging tubig. Kapag nagpatuloy pa iyon ay tuluyang ng kakalat ang lason.

"Kezia, please. Itigil mo na ito. Hanapin mo na sila Zynon. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, kalimutan mo na lang ang lahat."

"Huwag kang makialam, Xhiena! Huwag na huwag kang mangingialam ngayon! Kalimutan? Para ano? Para tuluyan nanaman akong mawala? Hindi na ako papayag! Hindi na!" sigaw ko habang kumakausap sa hangin.

Kung may makakakita man sa akin ngayon ay baka isipin nilang nababaliw na ako.

"Pero Kezia—"

"Tumigil ka na!!" bulyaw ko at napapalahaw sa sakit ng ulo ko.

Napakapit ako sa trunk ng puno na malapit sa akin.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit sinasabayan pa ng pamamanhid ng braso ko.

Hanggang sa napasuka na lang ako ng dugo at ramdam ko ang pag-ikot ng paligid.

Hirap na akong makahinga at pakiramdam ko'y nagbabago ang paligid.

"Mahal na prinsesa!"

Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at nilingon ang isang batang babae na halos kasing edaran ko na. Maikli ang buhok niya kumpara sa akin at kung titignan mo siyang mabuti ay halos magkasing kamukha na kami. Minsan nga'y napagkakamalan pa ng iba na magkakambal kami. Isa siya sa pinsan kong babae at anak siya ni Auntie Earl, ang nag-iisang kapatid na babae ni papa.

"Huwag mo na akong tawaging ganoon, Kezia na lang," sambit ko.

"Eh, kasi sabi ni mama, galangin raw kita dahil ikaw ang tagapagmana ng trono."

"Para namang hindi tayo mag-pinsan. Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko na ikinayuko niya para itago ang hiya.

"Gusto ko sanang magpatulong sa'yo. Hindi pa kasi lumalabas ang kapangyarihan ko, puwede bang panoorin uli kita habang ginagamit mo 'yung iyo?"

Napangiti ako ng matamis at inihanda ang palad ko, "Oo naman."

Unti-unting lumabas ang isang maliit na halaman hanggang sa dahan-dahan iyong humahaba na parang vines.

"Kezia!"

Kusang bumalik iyon sa palad ko at napalingon sa tumawag sa akin.

Nakita ko si mama na nakasuot ng isang magandang bestida at nakangiti sa akin mula sa ibaba ng hagdan.

"Mama!"

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon