Chapter 41: The Missing Piece

23.2K 924 73
                                    

Chapter 41: The Missing Piece

Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.

Nanatili lang akong nakatingin doon sa libro na nakasulat ay ang pangalan ko. Hanggang sa unti-unti iyong nag-apoy at naging abo.

Napatulala na lang ako.

"X-Xhiena.." narinig kong tawag sa akin ni Anice kaya nilingon ko siya na hindi parin alam ang sasabihin. Tulala parin ako sa mga nalaman ko.

"Hindi ko iyon inaasahan." sabi pa ni Luigi na nasa tabi ko rin.

"Pero hindi ba't dahil dito, wala na tayong problema para sa kalagayan ni Zynon?" nakangiting sani Anice kaya naman ay napangiti na rin ako ng tipid saka napatango.

Tama, nakalimutan kong kaya pala kami nandito ay para magamot si Zynon. Iyon ang una namin dapat na gawin.

"Kung ganoon, kailangan ko ng maipainom kay Zynon ang dugo ko para gumaling na siya kaagad." sabi ko nang mabalik na sa akin ang boses ko.

Napatango-tango naman sila Anice at Luigi. Pero nang akmang aalis na kaming tatlo ay may sinabi pa si Dober na bumuwag sa pag-asa na iyon.

"Hindi iyon mangyayari. Kahit anong gawin niyo, hindi gagaling ang kaibigan niyo."

Nagsalubong ang kilay ko at nagulat na lang ako nang malakas siyang sinuntok ni Luigi sa panga dahilan para mapalupagi si Dober sa kahoy na sahig ng tree house.

"Luigi, ano bang ginawa mo?!" inis na sabi ko at kaagad na dinaluhan si Dober.

"Kanina pa ako naiinis sa'yo! Kung ayaw mo kaming tulungan, puwede mo namang sabihin, eh. Hindi itong lagi mo kaming sinasalungat! Kaya nga kami nandito dahil wala kaming alam!" gigil na sabi ni Luigi at namumula na rin ang kulay ng mata niya.

Inalalayan kong tumayo si Dober saka niya marahang inayos ang robe na suot niya bago muling tinignan si Luigi.

"Hindi lahat kailangan niyong malaman. May mga bagay na kailangang manatiling sikreto." sabi niya kaya akmang susugurin nanaman siya ni Luigi ay maagap na siyang napigilan ni Anice. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Alam namin iyon, Dober," malungkot na sagot ko sa sinabi niya, "Pero, desperado na kami. Kailangan naming malaman kung paano mapapagaling si Zynon. Kahit ano pa iyan, handa naming gawin. Kung hindi mapapagaling si Zynon ng dugo ko, anong makakapagpagaling sa kaniya?"

Tinignan niya lang ako at napailing, "Pasensya na, Xhiena. Pero iyon lang ang kaya kong sabihin. Pasensya na talaga."

Narinig kong napaismid si Luigi kaya napatingin ako sa kaniya at bakas sa mukha niya ang pinaghalong inis at galit, "Kung ganoon, umalis na tayo rito. Hindi tayo puwedeng magsayang lang ng oras sa kaniya. Sigurado naman akong hindi lang siya ang may alam tungkol sa alamat. Hindi natin kailangan ng tulong niya," pagkasabi niya nun ay mabilis siyang bumaba ng tree house kaya kaming dalawa na lang ni Anice ang naiwan doon.

"Tara na, Xhiena." tawag pa sa akin ni Anice kaya dismayado kong tinignan uli si Dober bago bumaba.

"Salamat, Dober." mabigat ang loob na sabi ko saka ako sumunod kay Anice.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon