Chapter 66: Atlas

34.3K 1.3K 127
                                    


Chapter 66: Atlas


Xhiena's Point of View

Hindi ko maramdaman ang sarili ko. Kahit ang katawan ko, hindi ko maramdaman. Para akong lumulutang at wala akong makita na kahit na ano sa paligid.

Ganito ba kapag namatay ka na?

Nang maalala ko iyong mukha ni Zynon ay hindi ko maiwasang mapaiyak, pero parang walang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Natigilan lang ako nang makita kong nagkaroon ng isang maliit na ilaw sa paanan ko. Dahan-dahan akong yumuko at tinignan iyon.

Isang pamilyar na malaking itlog.

Kinuha ko iyon at tinitigan. Parang nakita ko na 'to.

Tama! Ito iyong nakita ko sa tree house ni Dober! Ito iyong itlog ng dragon. Pero paano iyon napunta rito?

Tinignan ko iyong mabuti at napalaki iyong mata ko nang magsimulang mapisa.

Tapos nagsimula ring bahain ng ala-ala ang isipan ko.

"Grandma! Grandma!" malakas na sigaw ko habang umiiyak.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako. Nang makalapit ako sa kaniya ay niyakap ko ang bewang niya ng mahigpit at doon humagulgol.

"Grandma! Wala na si grandpa! Bakit niya ginawa 'yun?! Bakit ginawa 'yun ni grandpa sa sarili niya?! Ayaw niya na ba sa atin, grandma? Kaya niya tayo iniwan? Hindi niya na ba tayo mahal?" sunod-sunod na tanong ko habang patuloy na humihikbi.

Naramdaman ko namang kinalas ni grandma ang pagkakayakap ko sa kaniya at lumuhod para mapantayan ako.

Nakangiti niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at kitang-kita ko ang labis na lungkot sa mga mata niya.

"Huwag mong sabihin iyan, Kezia. Mahal na mahal ka ng grandpa mo. Mahal niya tayong lahat."

"Pero kung ganoon, bakit niya tayo iniwan?! Bakit ka niya iniwan?!"

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang buhok ko.

"May mga pagkakataon na kailangan mong magsakripisyo, iyan ang tatandaan mo, Kezia."

Tinignan ko siya at napasinghot, "Magsakripisyo?"

"Masyado ka pang bata para malaman ang mga bagay na ito, at gusto kong humingi ng tawad sa'yo, dahil wala akong magawa para makalaya ka sa pamilyang ito. Darating ang araw na ikaw ang magmamana ng trono, Kezia. At kapag dumating ang araw na iyon, baguhin mo ang lahat at gawin mo kung ano ang alam mong tama," nakangiti niyang sabi, "Nangangako ka ba, mahal kong apo?"

Sunod-sunod akong napatango, "Pangako po, grandma!"

"Kung ganoon," napatingin ako nang may ibigay siya sa aking isang malaking itlog, "Alagaan mo ang itlog na iyan. Siya ang magiging kaagapay mo sa pagbago ng mundong ito."

"Isa po ba itong itlog ng dragon?" tanong ko habang hawak iyon.

"Oo. Ang pangalan niya ay Atlas. Magiging parte na siya ng iyong pagkatao, Kezia. Magkadugtong na ang buhay ninyo. Mapipisa ang itlog sa oras na tumuntong ka na sa tamang edad, at sana magtagumpay ka sa iyong pangako, aking prinsesa."

Napapikit ako ng mariin at napangiti.

Grandma..

Nangako ako kay grandma. Bakit ko nga ba nakalimutan ang pangakong iyon? Nangako ako sa kaniya na gagawin ko ang lahat, para malipol ang kasamaan sa mundong ito.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon