Chapter 31: Safe House
Namayani ang katahimikan dahil sa sinabi ni Zynon. Kahit ako ay biglang nakaramdam ng kaba.
Tinignan ko siya pero nakayuko lang siya habang nakahalukipkip na nakasandal sa pader. He saw it. Nakita niya ang dapat na gagawin ko kay Luigi.
Naramdaman ko na nagsisimulang manginig ang mga kamay ko kaya napahawak doon si Anice. Napatingin na lang ako sa kaniya na seryoso na rin ang mukha.
"Totoo ba iyang sinasabi mo, Zynon?" narinig kong tanong ni Luigi, "Paano niya naman iyon magagawa? She's trembling in fear-"
"No. She's not trembling in fear. She was, before you could attack her." sabi ni Professor George kaya muling nabaling sa kaniya ang atensyon namin, "Dahil masyadong kayong naka-focus lahat sa magiging atake ni Mister Greyson, hindi niyo napansin si Xhiena."
Lahat sila ay mas natigilan, kahit ako ay mas kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"Her bloodlust was hidden by the supposed to be attack of Mister Greyson. If Miss Scott didn't intervened," nilingon ako ni Professor George at naikuyom ko na lang ang mga kamay ko, "You could have killed someone, Miss Corpuz."
"Paano naman niya iyon magagawa?! She's weak." singit ni Gwen habang matalim na nakatingin sa akin.
"You will see what her real ability, soon, and you'll know why I joined her in this club." sagot sa kaniya ni Professor George kaya kahit ako ay nagulat.
Real ability? Anong ibig niyang sabihin doon?
"Well, I'll discuss a lot of things to you tommorow. So everyone, be ready. Naayos ko na rin ang tungkol sa paglipat ni Miss Corpuz sa Safe House. Ikaw na ang bahala, Miss Scott."
"Y-yes, Professor." sagot ni Anice kaya napatango na lang si Professor sa kaniya bago binalingan ng tingin si Zynon at sabay na silang umalis.
Teka, paglipat? Anong paglipat?
"Xhiena, halika na." nabalik na lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang mahinhing boses ni Anice, "Tara?"
"Saan tayo pupunta?" kunot-noong tanong ko saka napasulyap sandali sa nakaupong si Gwen na masama parin ang tingin sa akin.
Iniwas ko na lang agad ang tingin ko.
"May ipapakita lang ako-"
"Sasama ako!" natigil si Anice sa pagsasalita nang sumingit si Luigi. Tinignan niya ako habang seryoso parin ang mukha niya, "Gusto kitang makausap, tungkol doon sa nangyari."
"Ano ka ba naman, Luigi-" tinigan ko na lang si Anice at nginitian kaya napabuntong hininga siya.
Tinanguan ko naman si Luigi bilang sagot.
"Saan ba tayo pupunta?" baling ko naman uli kay Anice.
"Well, gaya nga ng sabi ni Professor George, simula ngayon dito ka na titira. Ang buong North Wing, iyon ang tinuturing naming Safe House."
"H-huh?! Teka, bakit?! Paano iyong dorm-" natigilan ako nang makita ko siyang napangiti uli.
Holly golly! Ano iyon biglang dito na ako titira sa North Wing?! What the goose?!
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirosXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
