Chapter 55: Duel with the Past

37.7K 1.5K 157
                                        

Chapter 55: Duel with the Past

Nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang mabituing langit kaya kaagad akong napabangon.

Doon ko nakita na nakahiga pala ako sa gilid ng isang lake. Nakakamangha lang ang tubig dahil parang isa iyong salamin kung saan nagre-reflect ang ilaw ng mga bituin.

Pero, nasaan nga ba ako?

Wala akong ibang makita sa kinaroroonan ko kundi kadiliman at iyong lawa lang.

Sa pagkakatanda ko, nakalabas na ako sa maze na iyon, hindi ba?

Ito na ba iyong huling parte ng stage one ng tournament?

"Nagkakamali ka."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon at nakita ko siya.

Si Kezia.

Gaya ng palagi kong nakikita na suot niya sa panaginip ko at sa kanina, nakaputing bestida parin siya at nakabagsak ang buhok niyang mahaba.

Nakatingin lang siya sa tubig habang yakap-yakap ang mga binti niya.

Para siyang isang manika.

"B-Bakit ka nandito?" pagbabasag ko sa katahimikan, pero hindi naging sapat iyon para lingunin niya ako.

"Ikaw ang dapat na tinatanong ko, Xhiena. Bakit ka nandito?"

Natigilan ako. Dahil na rin sa paraan ng pagsasalita niya, parang hindi siya isang anim na taong gulang na bata.

"Hindi kita maintindihan. Nasaan ba ako? Nasa tournament parin naman ako, hindi ba?"

Sa wakas ay nilingon na niya ako, pero nanigas ako sa kinaroroonan ko nang masalubong ko ang malalamig niyang mata.

Parang..parang kay Zynon.

"Nasa tournament ka parin naman, kaya huwag kang mag-alala. Ang gusto ko lang sana ay mawala ka na."

"A-anong sabi mo?!" hindi ko namalayan ay tumaas na ang boses ko.

"Narinig mo ako. Ang sabi ko, mawala ka na sana."

Naikuyom ko ang mga kamay ko at tinitigan siya sa mata, "Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi. Hindi ko rin alam kung sino ka ba talaga at bakit ka laging nagpapakita sa mga panaginip ko—"

Napahinto ako nang bigla siyang tumawa na nakapagpatayo sa mga balahibo ko.

"Nakakatawa kang pakinggan, Xhiena," nakangising sabi niya, "Hindi mo ako kilala? Sigurado ka ba diyan? O baka naman, kinalimutan mo kung sino ako."

"Ano bang sinasabi mo? Kailangan ko ng umalis rito. Kailangan ko ng makita sila Zynon at sila Anice—"

"Bakit ka nagmamadali?"

"Dahil may mga bagay pa akong kailangang gawin, Kezia."

Mas lumapad ang ngisi sa labi niya. Hindi bumagay iyon lalo na't napakaamo ng mukha niya kaya hindi ko matagalan ang pagtingin sa kaniya, dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, nasasaktan ako sa nakikita ko.

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon