Chapter 47: I'm Sorry
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Basta namalayan ko na lang na tinutulungan ako ng isang lalaki na nakakita sa amin sa elevator para madala si Zynon kay Nurse Charm.
"Xhiena, anong nangyari?!" iyon kaagad ang bungad sa amin ni Nurse Charm nang makarating kami sa West Wing.
"Hindi ko rin alam, Nurse Charm. Please, tulungan mo si Zynon. Pagalingin mo siya, please." basag ang boses na pagmamakaawa ko sa kaniya.
Malungkot na lang siyang napatango saka niya sinimulang suriin si Zynon.
Napalabas ako ng kuwarto at doon na tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.
Napatakip ako sa bibig ko at napahikbi.
"Xhiena!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko sila Anice at Luigi na bakas ang pag-aalala sa mukha nila.
"Anong nangyari?! Si Zynon, may nangyari ba?" tanong ni Anice kaya napayakap na lang ako sa kaniya at napahagulgol.
"A-Anice, kasalanan ko! Kasalanan ko. Kung nag-ingat lang ako, sana hindi niya ginamit iyong kapangyarihan niya para ipagtanggol ako. Sana hindi siya nagkakaganito!"
"Ssshhh, Xhiena, huwag mong sabihin iyan. Magiging maayos lang si Zynon. Huwag kang mag-alala," sabi niya at sininulan niyang hagurin ang likod ko para pakalmahin ako, pero hindi ko kaya.
Iyong mukha kanina ni Zynon na nahihirapan. Parang paulit-ulit na nagpapakita sa isip ko at alam kong ako ang may kasalanan nun.
Halos isang oras din kaming naghintay sa labas ng kwarto hanggang sa makita naming dumating si Gwen.
"Gwen.."
"Gwen, bakit ka nandito? Dapat nagpapagaling ka pa," harang sa kaniya ni Luigi pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya.
Nababalutan ng bandages ang buong braso niya at may ilan ding siyang band-aid sa mukha. At hindi ko inaasahan na ako ang may gawa ng lahat ng iyon sa kaniya.
Nang mapabaling siya sa akin ay wala akong makitang kahit na galit o inis sa kaniya.
"Let me through, kailangan kong makita si Zynon," malamig ang boses na ani niya.
Pero hindi mas hinarangan lang siya ni Luigi. Kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto at paglabas ni Nurse Charm.
Mabilis namang hinawi ni Gwen si Luigi at walang pasabing pumasok sa loob ng kwarto.
Susubukan pa sana siyang pigilan ni Luigi pero pinigilan naman siya ni Nurse Charm.
"Let her be. She's too worried about him," malungkot ang ngiting sabi niya kay Luigi.
"Nurse Charm, kamusta na po si Zynon?" iyon kaagad ang tanong ko kaya napabaling siya sa akin at napabuntong hininga.
"Umayos na ang lagay niya. Pero kapag nagpatuloy pa siya sa paggamit niya sa kapangyarihan niya, puwede na niya iyong ikamatay."
Naramdaman ko kaagad ang paghawak ni Anice sa kamay ko at nangilid nanaman ang mga luha ko.
"P-pwede ba namin siyang makita?" muling tanong ko at dahan-dahan lang siyang napatango.
Pumasok kami sa loob nila Luigi at Anice at nadatnan namin doon si Gwen na yakap-yakap ang nakaratay na si Zynon.
Parang kumirot ang dibdib ko.
Lalo pa nang makita ko ang walang tigil na pag-agos ng luha ni Gwen.
"I've told you so many times to refrain using it!" halos pumiyok ang boses na sabi niya at napahikbi sa dibdib ni Zynon.
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampirosXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...
