Chapter 40: The Legend of Rainbow Eyes

29.8K 1.2K 103
                                        

Chapter 40: The Legend of Rainbow Eyes


Isang alamat.

Napasubsob na lang ako sa makapal na libro na binabasa ko rito sa school library.

Ito na yata ang pang-two hundred twenty na librong na-scan ko para lang mahanap iyong tungkol sa alamat na iyon.

Nakaramdam na lang ako ng pagtapik sa balikat ko kaya napa-angat ako ng ulo at nakita ko si Anice na may yakap-yakap na limang libro.

"May nahanap ka na, Xhiena?" tanong ko kaya nakasimangot akong napailing.

Napabuntong hininga naman siya dahil doon.

"Ikaw, may nahanap ka na?" tanong ko rin at inilapag niya sa lamesa iyong limang librong hawak niya.

"May maiikling passages lang akong nabasa mula sa mga librong ito, pero lahat walang sense." sabi niya at naupo na rin sa tabi ko.

Pareho kaming parang binagsakan ng langit at lupa. Paano ikalawang araw na namin ngayon sa pagtambay dito sa library para lang mahanap ang alamat na sinasabi ni Nurse Charm, pero wala parin kaming nakikita o nababasang makapagbibigay ng impormasyon tungkol doon.

"Eh, si Luigi? May nahanap na ba siya?" tanong ko pa uli at nilingon namin ang direksyon ni Luigi.

Nalaglag na lang ang panga ko nang makitang ang sarap ng tulog niya habang nakaunan sa pinagpatong-patong niyang mga libro. Ay anak naman talaga ng!

Sabay kaming napatayo ni Anice sa kinauupuan namin at parang mga bulkang sasabog na nilapitan ang ugok na si Luigi. Ang akala pa naman namin ay nagbabasa at naghahanap din siya, iyon pala ay naghihilik na.

Gigil na hinila ni Anice ang tainga niya at pinisil ko naman ng pagkalakas-lakas ang ilong niya dahilan para mapabalikwas siya.

"The fuck?! Ano bang problema niyong dalawa at ako ang pinagdidiskitahan niyo?!" magkasalubong ang kilay na sabi niya. At siya pa talaga ang may ganang magalit. Wow, palakpakan.

"Grabe, Luigi, ang laking tulong mo rin, ano? Mahiya ka naman sana sa katamaran mo, di ba?" sarkastikong sabi ko.

Napaismid naman siya dahil doon, "Tamad? Tinawag mo akong tamad, Xhiena? Baka nakakalimutan mo, gabi-gabi akong naglilibot sa school na ito para lang sa kaligtasan ng lahat tapos—"

"Alam na namin iyan, Luigi. Naiintindihan ka namin. Pero sana naman, hindi ka paasa, di ba? Sana hindi ka magpre-presinta na tutulong kung hindi ka naman pala kikilos." halos magngitngit sa galit si Anice.

Natigilan pa ako dahil doon. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganoon. Lalo pa't halos mamula na ang buo niyang mukha dahil sa galit.

Kasabay din noon ay may nakita na akong gumagapang na parang scorpion sa ulo ni Luigi at itinutok nun iyong stinger niya na halatang poisonous.

Nanigas naman kaagad si Luigi sa kinaroroonan niya at napalunok naman ako.

"O-oo na, Anice. T-t-tulong na ako! Ano ka ba naman, parang hindi mo ako kilala. Hindi ba't sabi ko sa'yo na automatic kasi itong mata ko kung matulog?"

Napangiwi ako sa naging sagot ni Luigi kaya mas inilapit ng scorpion iyong poisonous stinger niya at itinutok iyon sa mata niya.

Pinigil ko na lang matawa nang halos pagpawisan si Luigi.

"F-Fine! Oo na, tutulong na talaga ako! Promise! Hindi na ako matutulog!"

Tinaasan lang siya ng kilay ni Anice.

"Kung ganoon, mananatili si Scorpio sa ulo mo. Kapag natulog ka uli, hindi ako magdadalawang-isip na utusan siya para tuluyan ka ng matulog at hindi na magising pa."

Vampire HighMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon