Chapter 37: The Chasers
Nandito na kami sa living room ng Safe House ng North Wing, pero tahimik parin kaming tatlo. Maski ako, hindi ko alam kung papaano ko ba ipapaliwanag ang sarili ko, dahil naguguluhan din ako sa nangyari.
"Totoo ba talaga ang sinasabi mo, Xhiena? Pero, bakit? Paano mo ginawa?" napatingin na lang ako kay Anice nang siya ang naunang bumasag sa katahimikan.
Napabuntong hininga ako at napailing, "Hindi ko alam, Anice. Sorry. Hindi rin ako sigurado, kung ako ba talaga ang may gawa ng sunog. Dahil sa sinabi niyo na sa Infirmary nagmula ang sunog kaya iniisip ko rin na baka ako nga. Nang magising kasi ako, nababalot ng apoy ang mga kamay ko at hindi ko alam kung paano iyon nangyari."
Napatingin ako sa mga kamay ko. Ni wala man lang iyong galos o paso na inaasahan ko.
"Ang ibig mo bang sabihin, iyon ang special ability mo?" natigilan ako sa sinabi ni Luigi at nanatiling nakatingin sa mga palad ko.
"Special ability?"
"Pero hindi ba't ang special ability mo ay iyong may lumalabas na vines na latigo sa mga palad mo? Iyon ang sinabi sa amin ni Gwen noon."
Napapikit ako ng mariin.
Napamulat na lang ako uli nang maramdaman ko ang paghawak ni Anice sa balikat ko.
"Huwag kang mag-alala. Hindi namin ito sasabihin kahit na kanino." sabi niya at gaya ng lagi niyang ginagawa ay binigyan niya lang ako ng marahang ngiti kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Pero..paano kapag may nakaalam? Hindi ko naman sinasadya. Ni hindi ko alam na may ganito akong kapangyarihan." sabi ko sa kanila, "Natatakot akong maulit uli iyon. Ayaw kong makapanakit ng iba."
"You won't. Hindi iyon mangyayari." napabaling ako kay Luigi na nakasandal lang sa pader na malapit sa bintana, nakatingin siya sa akin ng seryoso kaya hindi ko mapigilang mailang, "Ang kailangan mo lang gawin ay mag-training. You need to discover what your special ability is, at kapag nagawa mo iyon, madali mo na rin iyong mako-kontrol."
"He's right. Darating din ang panahon na makakaya mong kontrolin ang kapangyarihan mo, Xhiena. Normal lang naman ito para sa lahat ng mga bampira. Noong mga bata pa kami ay pinagdaanan na rin namin 'yan," napatigil naman ako sa sinabi ni Anice at tuluyang napatingin sa kaniya.
"Ta-talaga?!"
"Noong bata ako ay halos tirhan na ng mga insekto ang buong bahay namin, at hindi lang basta insekto, iba't ibang klaseng insekto. Dahil doon, palipat-lipat kami ng bahay hanggang sa napagdesisyunan ng mga magulang ko na ipasok nga ako sa school na ito. Dahil doon, natutunan ko ang pag-kontrol sa mga insekto. You see, I'm an Insect Manipulator. I can control them to either do good or bad." kwento ni Anice kaya naman napanganga talaga ako sa kaniya. Ta-talagang nangyari iyon?!
"Sigurado akong makakaya mo rin ito, Xhiena. You just need to believe in yourself. And bago ko nga pala makalimutan, congratulations for winning in your first duel." nakangiti niyang sabi at kung hindi pa niya iyon sinabi ay hindi ko maaalala.
"T-thank you! Thank you rin, Luigi." sabi ko sa kanila, "Ginamit ko lang naman iyong mga suggestions niyo kaya ako nanalo."
Narinig ko pang napaismid si Luigi bago nagsalita, "Masyado mo namang pinanindigan. Hindi mo ba alam na muntik ka ng mapatay ni Gwen?"
BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireXhiena is a dying girl and the last thread she's been holding on to live is her late mother's last wish, and that is to enter a school that never even existed to begin with. But it only takes a single wish to stir up her life and led her to a journe...